2019
Mga Kabataan
Hunyo 2019


Mga Kabataan

Larawan
Nathan O

Sa paaralan na pinapasukan ko ngayon, kakaunti ang mga miyembro. Kaya mahalaga na ipamuhay ang aking mga pamantayan dahil ito lamang ang paraan para makita ng mga hindi miyembro ang ebanghelyo sa pamamagitan ko at sa huli ay maunawaan ito at sumapi sila sa Simbahan. Siguro hindi ngayon, pero balang-araw maaalala nila ang isang kakaibang batang lalaking ito na hindi umiinom ng iced tea at kape, hindi nagmumura, at kabilang sa isang simbahan. Siguro balang-araw ang halimbawa ko ang maghihikayat sa kanila sa kung saan sila kinakailangang naroon.

Mahirap maging kakaiba, ang manindigan. Madali lang ibaba ang mga pamantayan. Ang halimbawa at panalangin ng aking pamilya ang talagang nagpapatatag sa akin sa buong maghapon. Ang panalangin ay nagpapaalala sa akin na panatilihin ang aking mga pamantayan.

Huwag kailanman mag-alinlangan na tama ang ginagawa ninyo. Palaging susubukan ng mga tao na kutyain kayo dahil sa mga bagay na hindi ninyo ginagawa. Siguro hindi kayo magiging astig o magaling. Pero ayos lang ‘yan. Sa paningin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kayo ay magaling dahil sinusunod ninyo ang mga pamantayan. Matatanto ninyo kalaunan na ang ginagawa ninyo ngayon ay nagpapasaya sa inyo. Walang hanggang kagalakan ang dulot ng pagsunod sa inyong mga pamantayan. Kaya’t magpakatatag, patuloy na ipamuhay ang inyong mga pamantayan!

Nathan O., Manila, Philippines