2019
Ang Espiritu Santo ay …
Hunyo 2019


Ang Espiritu Santo ay …

Larawan
The Holy Ghost Is

1. Isang miyembro ng Panguluhang Diyos. Nangangahulugan ito na kumikilos Siya kasama ang Ama sa Langit at si Jesucristo upang tulungan tayo. Kung minsan ay tinatawag Siyang Espiritu dahil wala Siyang katawan.

2. Isang kaloob na kasama ng pagbibinyag. Pagkaahon sa tubig, makatatanggap ka ng espesyal na kaloob na tinatawag na “kumpirmasyon” kung saan ikaw ay inaanyayahang tanggapin ang Espiritu Santo.

3. Isang pangako mula sa Ama sa Langit. Kapag tinanggap mo ang sacrament, nangangako kang patuloy mong susundin si Jesus. Bilang kapalit, ipinapangako ng Ama sa Langit na magiging kasama mo ang Espiritu Santo.

Tulad ng mainit na kumot na nakabalot sa iyong puso. Magagawa ka niyang aluin kung ikaw ay nalulungkot o natatakot.

Tulad ng alarma na nagbibigay babala sa iyo sa panganib. Maaari ka niyang gabayan palayo sa anumang maaaring makasakit sa iyo.

Tulad ng isang magiliw na guro. Maaari niyang sabihin sa iyo kung ano ang totoo at tulungan kang matandaan ang natutuhan mo.

Tulad ng isang mensahero mula sa Ama sa Langit. Matutulungan ka ng Espiritu Santo na madama ang pagmamahal ng Panginoon at maunawaan ang nais Niyang malaman mo.

Tulad ng isang pahiwatig na tumutulong sa iyong malaman kung saan dapat pumunta. Sa paggawa mo ng mabubuting desisyon, matutulungan ka Niyang manatili sa landas patungo sa buhay na walang hanggan.

Tulad ng isang pinakamatalik na kaibigan na laging gusto kang kasama! Sa pagpili ng mabubuting pasiya, inaanyayahan mo Siyang manatiling kasama mo.