2019
Ministeryo ni Pangulong Nelson Nagpapatuloy
Mayo 2019


Ministeryo ni Pangulong Nelson Nagpapatuloy

Larawan
Yakap nina Pangulong Nelson at Sister Nelson ang mga bata

Sina Pangulong Russell M. Nelson at Elder Enrique R. Falabella ng Pitumpu ay malugod na tinanggap sa debosyonal sa Lima, Peru.

Hindi nagtagal matapos ang Oktubre 2018 na pangkalahatang kumperensya, si Pangulong Russell M. Nelson ay naglakbay sa Peru, Bolivia, Paraguay, Uruguay, at Chile, kung saan siya bumisita sa mga miyembro at mga missionary at nagdaos ng mga debosyonal, kabilang na ang debosyonal sa Chile na dinaluhan ng 1,500 na tao at ibinrodkast din sa buong bansa. Nagsalita siya sa mga miyembro sa wikang Espanyol, inilaan ang Concepción Chile Temple, at nakipagpulong sa mga lider ng pamahalaan sa lugar.

Libu-libong kababaihan ang tumugon sa social media sa paanyaya ni Pangulong Nelson na mag-ulat tungkol sa kanilang mga karanasan sa apat na hamong ibinigay niya sa Oktubre 2018 na pangkalahatang kumperensya: (1) hindi paggamit ng social media at negatibong media sa loob ng 10 araw, (2) basahin ang Aklat ni Mormon hanggang sa katapusan ng 2018, (3) regular na pumunta sa templo, at (4) ganap na makibahagi sa Relief Society. “Gusto ko kayong pasalamatang lahat sa pagtugon sa aking mga paanyaya,” sabi ni Pangulong Nelson, na umaasa na “bawat isa mga paanyayang ito ay lalong nagpalapit sa inyo sa Tagpagligtas.”

Si Pangulong Nelson ang namuno sa serbisyo sa burol ng kanyang anak na si Wendy Nelson Maxfield, na pumanaw matapos ang matapang na pakikipaglaban sa kanser. “Ang aming mga luha ng kalungkutan ay mapapalitan ng mga luha ng pag-asa habang lumalawak ang aming pananaw na pang-walang hanggan,” sabi niya. Nagsalita siya tungkol sa kanyang anak sa isang espesyal na kumperenya para sa mga miyembro ng Chico California Stake, na kinabilangan ng dalawang unit mula sa paradise na sinalanta ng apoy. “Natutuhan ninyo na bawat isa ay may mga hamon sa buhay,” sabi niya. “Kung gusto ninyong gumaan ang inyong pakiramdam, kalimutan ang sarili at paglingkuran ang iba.”

Sa Arizona, USA, inanyayahan ni Pangulong Nelson ang 65,000 miyembro na nagtipon sa sports stadium “na tumulong a pagtipon sa Israel sa magkabilang panig ng tabing.” Sumulat din si Pangulong Nelson ng guest column na inilathala sa pahayagan na Arizona Republic upang hikayatin ang mga tao na “bumaling [sa Panginoon] at gawin Siyang sentro ng inyong buhay.” Nakibahagi siya sa isang interbyu na ibinrodkast sa mga istasyon ng telebisyon sa estado; at dumalo sa ilang pagtitipon kasama ang mga lider ng pamahalaan, edukasyon, at relihiyon; at nagdaos ng sesyon sa mga young single adult na nagsipagtanong at nakatanggap ng sagot.

Mula nang inordena siya noong Enero 14, 2018, si Pangulong Nelson ay nakabisita na sa 5 kontinente, 16 na bansa at teritoryo, at 24 na lungsod, at nakapaglakbay nang mga 55,000 milya (88,515 km).