2019
Elder Ricardo P. Giménez
Mayo 2019


Elder Ricardo P. Giménez

General Authority Seventy

Larawan
Elder Ricardo P. Giménez

Hindi malilimutan ng mga miyembro ng Simbahan sa Antofagasta, Chile, ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2019 dahil sa ibinalitang templong itatayo roon at sa pagtawag sa tagaroon, na si Elder Ricardo P. Giménez, bilang General Authority Seventy.

Habang pinagninilayan niya ang mga responsibilidad ng kanyang bagong tungkulin, napalakas ang pananampalataya at lumakas ang loob ni Elder Giménez dahil sa kasabihang “Sinumang tawagin ng Panginoon, ay ginagawang karapat-dapat ng Panginoon” (Thomas S. Monson, “Duty Calls,” Ensign, Mayo 1996, 44).

“Naituro ko nang maraming beses ang kasabihang iyan noon, at ngayon ay sinusubukan kong gamitin ito sa aking sarili,” ang sabi niya. “Tinatawag ka ng Ama sa Langit. Kilala ka Niya. Kaya’t humayo ka at gawin ang ipinagagawa Niya at lahat ng bagay ay magiging maayos.”

Si Ricardo Patricio Giménez Salazar ay isinilang noong Nobyembre 28, 1971, ang panganay sa dalawang anak nina Ricardo Benjamín Giménez Gimeno at Myrto Lucisca Amalia Salazar Signorini. Sumapi siya sa Simbahan sa edad na 11 at lumipat kasama ang kanyang ina at kapatid na babae sa Santiago, Chile, pagkatapos magdiborsiyo ang kanyang mga magulang.

Noong 1995, nakilala niya si Catherine Ivonne Carrazana Zúñiga sa Santiago nang magsimulang dumalo si Catherine sa kanyang ward habang nakatira roon kasama ang isang tiyo. Nabuklod sila sa Santiago Chile Temple noong Setyembre 12, 1997, at nagkaroon ng dalawang anak.

Natanggap ni Elder Giménez ang kanyang undergraduate degree sa accounting at auditing sa University of Santiago noong 1997 at ang master of business administration degree sa University of Chile noong 2003. Nagsimula siya ng kanyang propesyon sa mining industry, at kalaunan ay lumipat sa information technology bilang finance director para sa Computer Sciences Corporation sa Latin America. Bumalik siya sa industriya ng pagmimina noong 2012, una sa Sierra Gorda Mining at pagkatapos sa Robinson Nevada Mining Company.

Nang tawagin siya sa tungkuling ito, si Elder Giménez ay naglilingkod bilang tagapayo sa stake presidency. Siya ay naglingkod na rin bilang Area Seventy sa South America South Area, stake president, high councilor, bishop, tagapayo sa bishopric at sa ward Young Men presidency, at full-time missionary sa Chile Concepción Mission.