2017
Mga Ideya para sa Family Home Evening
April 2017


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
Christ with Thomas

“Nakita Nila Siya,” pahina 58: Matapos basahin ang artikulo bilang pamilya, maaari ninyong talakayin ang mga paraan na maaari kayong maging mga saksi ni Cristo kahit hindi ninyo Siya nakikita sa pisikal. Maaari kayong mag-isip ng mga ideya para mas mapalapit sa Tagapagligtas gaya ng paghahanap ng mga pagkakataong mapaglingkuran ang mga refugee sa inyong komunidad, pag-aaral tungkol sa buhay ng Tagapagligtas habang nag-aaral ng banal na kasulatan, pag-aalaga sa anak ng isang mag-asawa para sila makadalo sa templo. Maaari mo ring panoorin ang video na matatagpuan sa mormon.org/easter.

Larawan
family at the temple

“Maghanda para sa Templo Araw-araw,” pahina 69: Maaari kang maghanda ng isang “family history and temple night” para sa family home evening. Maaari ninyong matutuhan kung paano mag-index ng mga pangalan at maghanap ng mga talaan ng pamilya o talakayin ang kahalagahan ng mga ordenansa sa templo at tingnan ang mga larawan ng mga templo sa buong mundo. Kung nakatira kayo malapit sa templo, maaari ninyong bisitahin ang bakuran ng templo at talakayin kung paano tayo mas inilalapit ng mga templo sa Ama sa Langit at ipinadarama sa atin ang Kanyang pagmamahal.