2017
Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento
April 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Ibinigay sa Atin ni Jesus ang Sakramento

Larawan
Jesus Gave Us the Sacrament 1
Larawan
Jesus Gave Us the Sacrament 2
Larawan
Jesus Gave Us the Sacrament 3

Alam ni Jesus na halos tapos na ang Kanyang panahon sa lupa. Tinipon Niya ang Kanyang mga Apostol para sa Huling Hapunan. Ibinigay Niya sa kanila ang sakramento at hiniling sa kanila na lagi Siyang alalahanin.

Nagpunta si Jesus sa isang halamanan para manalangin. Nasaktan siya dahil sa lahat ng kasalanan at malulungkot na bagay sa buhay ng bawat tao. Pagkatapos ay namatay Siya sa krus at inilibing sa isang libingan.

Kinaumagahan ng Linggo pagkatapos mamatay si Jesus, ilang kababaihan ang nagpunta sa libingan. May nag-alis ng bato sa pintuan, at walang laman ang libingan! Nasaan si Jesus?

Nabuhay Siyang muli! Nakita ni Maria Magdalena si Jesus. Binisita Niya ang Kanyang mga Apostol para maging handa silang ituro ang ebanghelyo pagkatapos Niyang bumalik sa langit.

Kapag tumatanggap ako ng sakramento, naaalala ko si Jesus. Naaalala ko na Siya ay nabuhay at namatay at nabuhay na mag-uli para sa akin upang mabuhay akong muli!