2017
Noong Bata pa si Jesus
February 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Noong Bata pa si Jesus

Mula sa Lucas 2:41–52

Larawan
PDF1
Larawan
PDF2
Larawan
PDF3

Noong bata pa si Jesus, namuhay Siya kasama nina Maria, Jose, at ng Kanyang mga kapatid na lalaki at babae. Natutuhan Niya mula sa Kanyang pamilya at sa Kanyang Ama sa Langit na maging matalino at malakas.

Bawat taon ay naglalakbay nang malayo patungo sa Jerusalem si Jesus at ang Kanyang pamilya. Pumupunta sila roon para ipagdiwang ang isang pista na tinatawag na Paskua.

Isang taon, nang oras na para umuwi, inakala nina Maria at Jose na naglalakbay si Jesus kasama ang mga kaibigan. Pagkaraan ng isang araw, napansin nilang nawawala Siya. Nasaan si Jesus?

Nagmadaling bumalik sa lungsod sina Maria at Jose para hanapin si Jesus. Natagpuan nila Siya sa templo. Nagtuturo Siya sa mga kalalakihan tungkol sa mga banal na kasulatan at sinasagot ang kanilang mga tanong. Nagulat ang mga kalalakihan dahil napakatalino Niya.

Sinabi ni Jesus na nanatili Siya sa templo upang maglingkod sa Kanyang Ama sa Langit. Maaari tayong matuto tungkol sa mga banal na kasulatan at sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus. Sa gayon ay makapaglilingkod din tayo sa Ama sa Langit!