2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
October 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
children at family home evening

“Mga Batang Musmos at ang Sakramento,” pahina 16: Matapos basahin ang artikulo bilang mga magulang, maaari ninyong talakayin ang mga paraan na maituturo ninyo sa mga batang musmos ang kahalagahan ng sakramento at ang mga tipang gagawin nila sa binyag balang-araw. Magagamit ninyo ang mga panalangin sa sakramento (matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79) para ituro ang mga pangakong ginagawa natin sa binyag at kung paano tayo tinutulutan ng pakikibahagi ng sakramento tuwing Linggo na panibaguhin ang mga pangakong iyon. Maaari din kayong mag-isip ng mga ideya na makakatulong sa inyong mga batang musmos na magtuon sa Tagapagligtas sa oras ng sakramento, tulad ng paglikha ng mga simpleng aklat na puno ng mga larawan ng Tagapagligtas.

“Isang Resipe para Matuto,” pahina 62: Kung mayroon kayong nakatatandang mga bata na nag-aaral ng mga banal na kasulatan sa sarili nila, isiping basahin ang artikulong ito sa kanila at anyayahan silang subukan ang mga ideya mula sa artikulo. Maaari din ninyong pagawin ang bawat miyembro ng pamilya ng personal study journal at ng mga mithiing isusulat doon nang regular. Maaaring magboluntaryo ang mga miyembro ng pamilya na magbahagi ng mga iniisip at impresyon mula sa kanilang journal sa susunod na mga family home evening.