2016
Ang mga Mag-anak ay Walang Hanggan
August 2016


Mga Bata

Ang mga Mag-anak ay Walang Hanggan

Larawan
families are forever

Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa panunumbalik ng mga susi at kapangyarihan ng priesthood na ibuklod ang mga pamilya maaari nating makapiling ang ating pamilya magpakailanman! Ano ang gustung-gusto mo tungkol sa iyong pamilya? Sundin ang mga tagubiling ito para magawa ang paper chain na ito upang ipagdiwang ang iyong pamilya.

  1. Itupi nang dalawang beses sa gitna ang isang pirasong papel para mayroon kang isang mahabang strip.

  2. Magdrowing ng isang tao na abot ang mga kamay sa nakatuping mga gilid.

  3. Gupitin ang tao. Huwag gupitin kung saan umabot ang mga kamay sa nakatuping mga gilid.

  4. Iladlad ito. Sumulat o magdrowing ng isang bagay na gustung-gusto mo tungkol sa bawat miyembro ng pamilya.

  5. Magdikit-dikit ng maraming kadena kung mas malaki ang iyong pamilya!