2016
Walang-Hanggan
August 2016


Pangako ng Propeta

Walang-Hanggan

“Ang mensahe ko ngayong gabi ay isang pagtatangkang ipaliwanag … kung ano ang kailangan nating gawin upang maging bahagi ng plano ng kaligayahang inihanda ng ating Ama sa Langit para sa atin. Bago tayo isinilang, nabuhay tayo sa isang pamilya sa piling ng ating dakila at walang-hanggang Ama sa Langit. Nag-orden Siya ng isang plano para sumulong at umunlad tayo upang maging katulad Niya. Ginawa Niya ito dahil mahal Niya tayo. Ang layunin ng plano ay bigyan tayo ng pribilehiyong mabuhay nang walang hanggan tulad ng ating Ama sa Langit. Ang planong ito ng ebanghelyo ay nag-alok ng buhay sa mortalidad kung saan tayo ay susubukan. Isang pangako ang ibinigay na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, kung sumunod tayo sa mga batas at ordenansa ng priesthood ng ebanghelyo, magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan, ang pinakadakila sa lahat ng Kanyang kaloob.”