2016
Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus
August 2016


Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus

Larawan
Samuel teaches about Jesus 1
Larawan
Samuel teaches about Jesus 2
Larawan
Samuel teaches about Jesus 3

Si Samuel ay isang propeta. Umakyat siya sa pader ng isang lungsod para mangaral. Sinabi niya sa mga tao na kailangan silang magsisi at manampalataya kay Jesucristo.

Itinuro ni Samuel na malapit nang isilang si Jesus. Isang bagong bituin ang magniningning. Mananatiling maliwanag ang kalangitan sa buong magdamag!

Itinuro niya na kapag namatay si Jesus, magdidilim sa loob ng tatlong araw. Maraming lungsod ang mawawasak.

Ilang tao ang naniwala at nabinyagan. Ang iba ay hindi naniwala at nagalit. Pinagbabato at pinana nila si Samuel. Ngunit pinrotektahan siya ng Diyos, at hindi siya nasaktan.

Tinangka ng mga taong hindi naniwala na bihagin si Samuel. Pero nakatakas si Samuel.

Pagkaraan ng limang taon, isinilang si Jesus. Isang bagong bituin ang nagningning sa kalangitan. Nangyari nga ang itinuro ni Samuel!