2016
Ang Bahaging para sa Atin
June 2016


Ang Bahaging para sa Atin

Naranasan na ba ninyo ang kapangyarihan ng Aklat ni Mormon sa inyong buhay? Subukan ito tulad ng ginawa ng mga missionary na ito!

Larawan
missionaries holding the Book of Mormon

Paglalarawan ni Brian Call

Natagpuan Ko ang Kulang

Noong nasa hayskul ako, hindi ko nagustuhan ang ilang doktrina ng Simbahan. Dahil dito dumalang na ang pagsisimba ko. Dumalo ako sa ilang aktibidad sa ibang simbahan, ngunit hindi ako lubos na naging masaya rito. Parang may kulang.

Matagal kong hinanap ang kulang, ngunit isang araw pagkatapos kong magdasal, dumilat ako at nakita ang Aklat ni Mormon sa ibabaw ng mesa ko. Patulog na ako noon nang bigla kong naisip: “Ipinanganak akong Mormon. Bakit hindi ko pa natatapos basahin ang Aklat ni Mormon?” Kaya nang araw na iyon nagpasiya akong tapusing basahin ang Aklat ni Mormon.

Matapos ang maraming taon ng paghahanap, natagpuan ko ang kulang sa kaligayahang iyan.

Elder Jayme Promise, Philippines Quezon City Mission

Kapag Binasa ng mga Tao ang Aklat ni Mormon

Noong nasa misyon ako nakakita ako ng mga taong umiinom ng alak, naninigarilyo, at nagdodroga, at nang basahin nila ang Aklat ni Mormon ay nagbagumbuhay at bumalik sa kanilang mga pamilya at sa Simbahan. Nakakita ako ng mga alibughang anak na nagsibalik sa tahanan at nagmisyon nang mabasa ang aklat na ito. Nakakita ako ng mga wasak na pamilya na matapos basahin nang sama-sama ang Aklat ni Mormon ay nabuklod sa templo kalaunan. Nakakita ako ng mga tao na talagang desperado at hindi na alam ang gagawin ngunit nang basahin nila ang aklat na ito, ay naging maayos ang mga bagay-bagay.

Kapag binabasa ko ang Aklat ni Mormon at gumagamit ng talata para tulungan ang isang tao, may nangyayaring mga himala. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nadarama sa bawat pahina nito, na naghihintay na mabago ang isang buhay, naghihintay na maganap ang isang himala. Maipapangako ko sa inyo na nangyayari ang mga himalang iyon tuwing magbabasa kayo ng Aklat ni Mormon. Hindi man nangyayari ang mga himalang ito ayon sa gusto natin o sa panahong gusto natin, ngunit mangyayari ito.

Elder Benjamin Baradi, Philippines Bacolod Mission