2016
Panindigan ang Tama
June 2016


Mga Batang Naninindigan

Panindigan ang Tama

Larawan
Standing for the right

Hi, Ako si Evan! Nakatira ako sa Ireland, at mahilig akong maglaro ng hurling. Isport ito sa Ireland na kapareho ng field hockey. Ang paborito kong subject ay math. Ang pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang biyaya sa akin.

Matatag na Naninindigan sa Eskwelahan

May bago akong kaeskwela na inaaway ang mga kapatid kong babae. Pinigilan ko siya at ipinagtanggol ang mga kapatid ko. Sumusunod din ako sa Word of Wisdom. Maraming estudyante sa paaralan ang umiinom ng tsaa at kape. Kapag may nag-aalok sa akin ng tsaa, sinasabi kong, “Ayoko, salamat na lang.”

Nagdarasal Kasama ang mga Kaibigan

Nag-aaral ako sa eskwelahan ng Katoliko. Kaming magkakapatid lang ang mga miyembro doon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Noong nagkasakit ang lola ko, tinanong ko ang titser ko kung puwede ko siyang ipagdasal. Humalukipkip at yumuko ang buong klase. Nagdasal ako nang malakas sa harap ng klase.

Maging Halimbawa

Nakikita ng mga kaibigan ko sa eskwelahan na masaya ako. Hindi ako nagmumura o bumabanggit ng pangalan ng Panginoon nang walang kabuluhan para maipakita ko ang mabuting halimbawa. Maaari din akong maging halimbawa sa aking pamilya.

Ang Pinakamabait na Kuya

Gumawa ako ng mga mithiin para patuloy kong magawa ang tama. Tinutulungan ko ang mga magulang ko sa pag-aalaga sa mga kapatid ko. Kapag natatakot ang mga kapatid ko, nakikipaglaro ako sa kanila hanggang sa malimutan nila ang takot. Minsan noong umalis ang mga magulang ko, kinuwentuhan ko ang kapatid ko hanggang sa makatulog siya.