2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Abril 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Pitong Araw Hanggang Paskua,” pahina 10, at “Nagpatotoo ang mga Natatanging Saksi Tungkol sa Buhay na Cristo,” pahina 16: Maaari ninyong gamitin ang mga materyal sa mga artikulong ito para magdaos ng mga debosyonal araw-araw sa inyong pamilya sa buong linggo bago sumapit ang Paskua. Simula sa araw ng Linggo bago sumapit ang Paskua, basahin ang mga patotoo ng Unang Panguluhan sa pahina 17 at sundin ang mga tagubilin sa “Pitong Araw Hanggang Paskua.” Bawat araw pagkatapos niyon, basahin ang mga patotoo ng dalawang Apostol at gamitin ang mga banal na kasulatan, awitin, at aktibidad sa “Pitong Araw Hanggang Paskua” para magbahagi ng isang mensahe sa inyong pamilya. Sa Linggo ng Paskua, maaari ninyong panoorin ang Bible video na “He Is Risen” na matatagpuan sa lds.org/bible-videos (makukuha sa ilang wika).

“Napakadali Po Niyan, Lolo!” pahina 67: Matapos basahin ang artikulong ito, maaari din ninyong ilabas ang inyong stopwatch! Isiping basahin ang isang pahina mula sa Aklat ni Mormon bilang pamilya at orasan ang inyong sarili para makita kung gaano ito katagal. Gamit ang orasang iyon bilang gabay, tantiyahin kung gaano katagal basahin ng inyong pamilya ang Aklat ni Mormon. Maaari kayong magtakda ng mithiin na sama-samang basahin ang Aklat ni Mormon. Ang paggawa ng iskedyul, tulad ng pagbabasa sa takdang oras bawat araw, ay makakatulong para makamit ninyo ang inyong mithiin.

Paglalarawan ni David Stoker

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.