2014
Ang Ating Pahina
Marso 2014


Ang Ating Pahina

Mahal ko ang ebanghelyo at ang pagiging miyembro ng Simbahan. Paborito ko ang awiting “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99). Napakasaya ko nang malaman kong walang hanggan ang aking pamilya.

Atonina T., edad 10, Samoa

Yery R., edad 12, Ecuador

Ang katawan ko ay isang templo. Nagdadamit ako nang disente para ipakita na mahal at iginagalang ko ang aking katawan at na mahal ko ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Lorienne P., edad 6, Philippines

Ito ang Unang Panguluhan. Gabi-gabi, binubuksan ko ang pangkalahatang kumperensya sa Internet at pinakikinggan ito bago ako matulog. Inaasam kong mapanood ang susunod na pangkalahatang kumperensya.

Rina H., edad 10, Japan

Si Ittary V., edad 5, na taga-Mexico, ay napakamasunurin. Mahal niya ang kanyang pamilya at gusto niyang idrowing sila. Ang paborito niyang awitin sa Primary ay “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99). Gustung-gusto niyang makita ang mga bulaklak sa templo. Kapag nagdarasal siya, lagi niyang sinasabi sa Ama sa Langit kung gaano niya Siya kamahal. Gusto niya ang Primary at sinisikap niyang maging mabuting halimbawa sa nakababata niyang kapatid na si Ailime.