Larawan ng Propeta
David O. McKay
Si David O. McKay ay lumaki sa bukirin ng pamilya nila sa Huntsville, Utah. Mahilig siya sa mga hayop at buong buhay siyang nag-alaga ng mga kabayo. Nang magmisyon siya sa Great Britain, natuklasan niya ang isang kasabihan na naging salawikain niya: “Maging ano ka man, gampanang mabuti ang iyong tungkulin.” Bumalik siya sa Great Britain nang maraming beses at inilaan ang London England Temple noong 1958.