2012
Nagdaos ng mga Auxiliary Training Meeting sa Salt Lake City, na Maaaring Ma-stream Online
Mayo 2012


Mga Auxiliary Training Meeting Online sa Ingles at Espanyol

Para matulungan ang mga lider sa kanilang mga tungkulin at mailunsad ang mga materyal na mapagkukunan na magagamit sa priesthood at auxiliary leadership training, nagdaos ng training ang mga general presidency ng apat sa mga auxiliary ng Simbahan para sa mga lider ng stake at ward auxiliary noong mga huling araw ng Marso. (Ang training para sa mga lider ng Young Men ay gaganapin sa Mayo 10). Ang mga webcast, kapwa live at on-demand, ay inilaan o ilalaan para sa lahat ng limang auxiliary sa Ingles at Espanyol. Isang buod ng apat na training session na idinaos noong Marso ang inilaan dito para sa mga walang akses.

Primary

Ang layunin ng Primary ay tulungan ang mga bata sa landas patungo sa pananalig at pagtanggap ng ebanghelyo, sabi ni Rosemary M. Wixom, Primary general president, sa auxiliary training para sa mga lider ng Primary noong Marso 28 at 29.

“Nais naming makadama, magmahal, at kumilos [ang mga bata sa Primary],” wika niya. “Nais naming magkaroon sila ng patotoo. … Ang ibig sabihin ng patotoo ay pagpapahayag. Nais naming gumawa nang higit pa rito. Ang ibig sabihin ng manalig at tanggapin ang ebanghelyo ay kumilos. Nais naming magkaroon at madama ng mga batang ito ang mga binhi ng pananalig at pagtanggap ng ebanghelyo sa kanilang buhay.”

Sinabi ni Sister Wixom at ng kanyang mga tagapayo na sina Jean A. Stevens at Cheryl A. Esplin sa mga lider ng ward at stake Primary na makatutulong sila sa mga magulang na maitanim ang mga binhing iyon ng pananalig at pagtanggap ng ebanghelyo. Sinabi ni Sister Wixom na ang pananalig at pagtanggap ng ebanghelyo ay nagsisimula sa napakabatang edad. “Hangga’t maaari ay dapat itong magsimula sa tahanan, kung saan minamahal ng mga magulang ang Panginoon nang buong puso, buong kaluluwa, at buong lakas. Pagkatapos ay tinuturuan nila ang kanilang mga anak.”

Mauunawaan daw ng mga bata ang kahulugan ng manalig “kung mag-uukol lang tayo ng panahon na turuan sila.” At, dagdag pa niya, kung hindi sila tuturuan ng mga magulang at lider ng Primary, “ang mundo ang magtuturo sa kanila.”

Nagpakita rin ng mga pagtatanghal ang mga miyembro ng Primary general board tungkol sa paggamit ng musika sa pagtuturo ng mga alituntunin ng ebanghelyo at sa mga mapagkukunang materyal para sa mga lider ng Primary na makikita sa LDS.org.

Relief Society

“Dakilang gawain ang inyong pinamumunuan!” sabi ni Julie B. Beck, na na-release bilang Relief Society general president sa sesyon ng kumperensya sa Sabado ng hapon, sa mga lider ng Relief Society sa isang sesyon ng auxiliary training noong Marso 27 at 28. “Ito ang gawain ng Panginoon. … Napakahalaga ng ating responsibilidad.”

Maraming paksang tinalakay si Sister Beck, pati na ang mga layunin ng Relief Society, ang mahalagang tungkulin ng mga babae sa kanilang pamilya, pagtuturo (lalo na sa mga bagong miyembrong babae ng Simbahan), pagtatrabaho sa mga komite, at mga tuntunin sa pamumuno.

Magtuon sa mga pinakamahalaga, sabi ni Sister Beck. “Simpleng trabaho ito, at nililinaw ng Panginoon ang mga ideya. Kung uunawain natin ang kailangan nating gawin, tutulungan Niya tayong makatanggap ng paghahayag at maipatupad ito. Tatanggap tayo ng paghahayag habang ginagawa natin ito.”

Sa lahat ng kanilang pagtuturo, nagtuon ang panguluhan at mga miyembro ng general board ng Relief Society sa paghahanap ng mga sagot sa Handbook 2: Administering the Church gayundin sa Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian: Ang Kasaysayan at Gawain ng Relief Society.

Sunday School

Ang Leadership Training Library, na bagong tampok sa LDS.org, ang pinagtuunan nang husto sa Sunday School auxiliary leadership training meeting na idinaos noong Marso 28.

Nagpakita ng mga bahagi ng iba’t ibang video clip mula sa library para suportahan ang pagtalakay sa ibinalangkas ni Russell T. Osguthorpe, Sunday School general president, na apat na pangunahing paksa sa pulong:

  • Ang tungkulin ng isang ward o stake Sunday School leader.

  • Paano tutulungan ang iba na maunawaan ang tungkulin ng Sunday School presidency sa pagpapahusay ng pagtuturo sa lahat ng organisasyon ng ward at stake.

  • Paano magsasanggunian nang mas epektibo bilang panguluhan.

  • Paano tuturuan ang mga guro at maglalaan ng epektibo at patuloy na suporta.

“Makikita ninyo na ang Leadership Training Library ay magiging isa sa pinakamahahalagang kasangkapan ninyo para tulungang masanay ang mga miyembro ng iba pang mga auxiliary at ang Sunday School sa kanilang mga responsibilidad,” sabi ni David M. McConkie, unang tagapayo sa Sunday School general presidency. “Ang library ay inihanda ng lahat ng auxiliary sa Simbahan, ng mga miyembro ng Pitumpu, [at] ng mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Napakatagal nang proyekto nito, at umabot na ito sa maraming kontinente.”

Ang library ay maaakses sa LDS.org sa pag-klik muna sa Menu sa home page pagkatapos ay mag-klik sa Leadership Training Library link sa Service column.

Young Women

“Hindi nagbabago ang mga pamantayan, ngunit nagbago na ang mundo,” sabi ni Elaine S. Dalton, Young Women general president, sa mga Young Women auxiliary training meeting noong Marso 27 at 28. Hinikayat niya ang mga lider na “baguhin ang mundo” sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa ng pamumuhay nang matwid.

“Hindi nagkataon lang ang mga tungkulin ninyo,” wika niya. “Ang inyong hitsura, pananamit, at ngiti ay makakaapekto sa mga kabataang babaeng ito … sa pagsama ninyo at pagtuturo sa kanila ng galak ng pagiging babae at pamumuhay ng ebanghelyo. … Kailangan tayong maging disente. Kailangan tayong mag-ingat. Kailangan tayong magturo sa pamamagitan ng halimbawa at malaking pagmamahal.”

Nagsalita ang mga tagapayo sa Young Women general presidency na sina Mary N. Cook at Ann M. Dibb tungkol sa kahalagahan ng “hayaang mamuno ang mga Laurel.” Ginamit ng mga tagapayo ang Young Women camp—na nagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ngayong taon—bilang halimbawa ng pagkakataong hayaang mamuno ang mga Laurel, ngunit sinabi na laging may mga pagkakataon ang mga lider na magbigay ng mga responsibilidad, na nagtutulot sa mga kabataang babae na makabahagi.

Nagtuon din ang mga naglahad sa maraming mapagkukunan—mga website, artikulo, video, manual, at binagong bersyon ng Para sa Lakas ng mga Kabataan—na magagamit ng mga lider sa paghahanap ng mga ideya at tulong.

Ang Leadership Training Library ang isang pinagtuunan ng Sunday School auxiliary leadership training meeting na idinaos noong Marso 28. Ang mga organisasyon ng Sunday School, Primary, Relief Society, at Young Women ay pawang nagdaos ng mga training session nang personal at sa pamamagitan ng Internet bago sumapit ang pangkalahatang kumperensya nitong Abril. Ang organisasyon ng Young Men ay magdaraos ng training nila sa Mayo 10.