2012
Panawagan para sa mga Artikulo
Mayo 2012


Panawagan para sa mga Artikulo

Kalalakihan: Kailangan ng mga kabataang lalaki ng magagandang halimbawa, hindi lamang mula sa mga magulang kundi maging mula sa mga lider. Kung minsan ay malaki ang kaibhang magagawa ng isang mabuting lider ng Young Men, guro sa Sunday School, o Scout leader. Noong bata ka pa, may lider ba sa ward ninyo na nagpabago sa buhay mo nang kaibiganin ka niya at maging mabuti siyang halimbawa? Ikuwento mo sa amin ang tungkol sa taong ito. Limitahan lamang ang iyong karanasan sa 500 salita, sulatan ito ng “Good Example,” at ipadala sa liahona@ldschurch.org bago sumapit ang Mayo 31, 2012.