2011
Elder Tad R. Callister
Nobyembre 2011


Elder Tad R. Callister

Ng Panguluhan ng Pitumpu

Larawan
Elder Tad R. Callister

Ipinaliwanag ni Elder Tad Richards Callister, bagong sinang-ayunan na miyembro sa Panguluhan ng Pitumpu at miyembro ng Ikalawang Korum ng Pitumpu, na isa mga layunin ng mga pinuno ng Simbahan ay ang magkaroon ng “tunay na paglago” sa Simbahan. “Ibig sabihin niyan ay hindi lamang mas marami pang tao ang dadalo sa mga sacrament meeting kundi mas marami rin ang makikibahagi ng sakramento, tatanggap ng mga ordenansang alok ng Simbahan, at tutupad ng kanilang mga tipan,” sabi niya.

Sa hangaring tulungan ang mga lokal na lider ng Simbahan sa gawaing iyan, nagpapasalamat si Elder Callister na binigyan siya ng Panginoon ng mga pagkakataong makapaglingkod sa maraming katungkulan. “Dahil naranasan ko na ang nararanasan ng mga taong katuwang ko ngayon—mga stake president at bishop at elders quorum president—umaasa akong magiging mas sensitibo ako at malalaman ko ang kanilang mga pangangailangan,” paliwanag niya.

Si Elder Callister ay nakapaglingkod bilang full-time missionary sa Eastern Atlantic States Mission, naging elders quorum president, stake mission president, tagapayo sa stake president, bishop, stake president, regional representative, Area Seventy, Canada Toronto East Mission president (2005–08), at naglilingkod bilang Pangulo ng Pacific Area nang tawagin siya sa Panguluhan ng Pitumpu.

Isinilang kina Reed at Norinne Callister noong Disyembre 1945, sa Glendale, California, USA, natanggap ni Elder Callister ang digri sa accounting mula sa Brigham Young University noong 1968. Nagtapos siya ng abugasiya sa University of California Los Angeles noong 1971. Noong 1972 nakatanggap siya ng LLM (master’s) degree sa tax law mula sa New York University. Mula 1972 hanggang 2005 siya ay nagtrabaho bilang abogado, at nagsulat ng mga aklat tungkol sa Pagbabayad-sala at Apostasiya at Panunumbalik.

Ikinasal siya kay Kathryn Louise Saporiti noong Disyembre 1968 sa Los Angeles California Temple. Anim ang kanilang anak.

Kinikilala ni Elder Callister ang kamay ng Panginoon sa kanyang buhay. “Napakalaki ng pag-ibig ng Tagapagligtas kaya’t iniisip ko na nasasabik Siya at ang ating Ama sa Langit na pagpalain tayo kahit sa mumunting kabutihang ginagawa natin, dahil likas iyan sa Kanila.”