2011
Indeks ng mga Kaganapan sa Kumperensya
Nobyembre 2011


Indeks ng mga Kaganapan sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay magagamit sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Elder Richard G. Scott

(6) Gumawa si Richard G. Scott ng audio recording ng Aklat ni Mormon para sa kanyang pamilya.

Elder José L. Alonso

(14) Nawala ang binatilyong anak ng nag-aalalang mga magulang sa abalang Mexico City.

Pangulong Boyd K. Packer

(16) Tinanggap ni Boyd K. Packer ang kanyang patriarchal blessing.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(19) Tumulong si Dieter F. Uchtdorf sa pagtatayo ng isang meetinghouse habang nagsasanay sa air force bilang piloto.

Naging magandang impluwensya ang isang tapat na mag-asawa sa mga nasa paligid nila.

Elder David A. Bednar

(24) Nagturo ng family history class ang isang binatilyong Aaronic Priesthood.

Elder Neil L. Andersen

(28) Nagpasiya si James O. Mason at ang kanyang asawa na huwag nang maghintay na magkaanak.

Nag-ampon ng mga bata sina Scott at Becky Dorius pagkaraan ng 25 taon ng pagsasama bilang mag-asawa.

Elder Carl B. Cook

(33) Hinimok ni Thomas S. Monson si Carl B. Cook na tumingin sa itaas.

Nagpakawala ng “mga pasanin” sa langit ang kababaihan sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga lobo.

Elder LeGrand R. Curtis Jr.

(35) Nakatagpo ng katubusan ang mga aktibong miyembro nang anyayahan silang magbalik sa simbahan.

Elder D. Todd Christofferson

(38) Naalala ng nakaligtas sa Donner Party ang umaga na nakita niya ang Johnson’s Ranch.

Elder W. Christopher Waddell

(50) Nakilala ng misyonerong si Javier Misiego ang lalaking nagbinyag sa kanyang ama.

Pangulong Henry B. Eyring

(56) Binisita ng bata pang si Henry B. Eyring at ng kanyang bishop ang isang miyembrong babae sa kanilang ward.

Nirepaso nina Gordon B. Hinckley at Henry B. Eyring ang isang manuskrito sa hatinggabi.

Pangulong Thomas S. Monson

(60) Inakala ni Thomas S. Monson na siya lang ang miyembro ng Simbahan sa boot camp.

Kinausap ni Thomas S. Monson ang mga tao sa bus tungkol sa Simbahan.

Pangulong Henry B. Eyring

(68) Nagsalita si Henry B. Eyring sa isang unibersidad kung saan sinabihan siyang huwag magpatotoo tungkol kay Jesucristo.

Isinama ni Henry B. Eyring ang kanyang mga anak na babae para bisitahin ang isang kaibigang may terminal cancer.

Nagbihis ng pangsimba ang isang naghihingalong lalaki para sa basbas ng priesthood.

Ilang taon matapos lumayas ng bahay, binasa ng isang lalaki ang Aklat ni Mormon at nagtamo ng patotoo.

Elder Tad R. Callister

(74) Nagpatotoo ang isang dalaga sa kanyang kaibigan tungkol sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.

Pangulong Thomas S. Monson

(82) Nalaman ni Thomas S. Monson ang kapangyarihan ng panalangin matapos makita ang limang dolyar na inakala niyang naiwala niya.

Nagkainspirasyon si Thomas S. Monson na ipahayag na si Peter Mourik ang magsasalita sa paglalaan ng Frankfurt Germany Temple.

Elder Russell M. Nelson

(86) Pinahalagahan ng mga miyembrong Ruso ang kanilang kasal sa templo.

Elder Randall K. Bennett

(98) Hindi pinansin ni Randall K. Bennett ang mga babala na malakas ang alon sa karagatan.

Elder J. Devn Cornish

(101) Mahimalang nakakita ng isang quarter si J. Devn Cornish bilang sagot sa kanyang dalangin.

Elder Quentin L. Cook

(104) Kinansela ni Alma Sonne ang mga reserbasyon para sa Titanic.

Nasawi si Irene Corbett habang sakay ng Titanic.

Silvia H. Allred

(114) Inaliw ng mga visiting teachers ang isang miyembrong babaeng marami nang sakit.

Nagpabinyag ang isang lalaki matapos paglingkuran ng mga visiting teacher ang kanyang pamilya.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(120) Naging magagalitin ang isang babae dahil wala siyang asawa at mga anak.