Samahan ninyo kami sa pagbisita sa mahahalagang lugar sa Temple Square.
Marami nang alam sina Kaemin at Ikani (“Kolby”) tungkol sa mga propeta. Ngunit nakatulong ang pagbisita nila sa North Visitors’ Center sa Temple Square para makita sa bagong paraan kung paano nagpapatotoo ang mga propeta kay Jesucristo.
Nang araw na iyon nakita nina Kolby at Kaemin ang kasing laki ng taong mga replika ng mga propeta mula sa mga banal na kasulatan. Nalaman nila na kahit na nabuhay sa iba’t ibang panahon ang mga propeta, lahat ng propeta ay nagpapatotoo na si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Anak ng Diyos.