“Hello mula sa Australia!” Kaibigan, Abril 2025, 8-9.
Hello mula sa Australia!
Ang Australia ay isang bansa at isang kontinente sa pagitan ng Karagatang Pasipiko at ng Indian Ocean. Mahigit 25 milyong mga tao ang naninirahan doon! Ingles ang pangunahing wikang ginagamit doon.
Dalawang Templo sa Brisbane
Ang Brisbane Australia Temple ay nasa lugar na tinatawag na Kangaroo Point! Ang ikaanim na inununsyong templo ng Australia ay para sa timog na bahagi rin ng Brisbane.
Isang Kulay Rosas na Lawa
Ang Lake Hillier ay isang maalat na lawa sa Australia. Ang kulay ng tubig ay bubblegum pink dahil sa mga espesyal na uri ng bakterya at algae.
Mga Hayop sa Australia
Maraming natatanging mga hayop sa Australia, kabilang na ang mga platypus, kangaroo, koala, at emu.
Pulang Bato
Ang Uluru ay isang napakalaking batong gawa sa sandstone sa Australia. 1,142 talampakan (348 metro) ang taas nito—mas mataas kaysa sa Eiffel Tower!
Paggawa ng Musika
Ang mga Aborihinal na tao (ang pinakaunang mga tao sa Australia) ay gumagawa ng mga instrumentong tinatawag na didgeridoos mula sa mga guwang na troso. Kapag umihip sila sa troso, gumagawa ito ng isang mababang pag-ugong.
Mga paglalarawan ni Amanda Smith; larawan ng Uluru Rock: beau - stock.adobe.com