Kaibigan
Maaari Akong Maging Isang Kaibigan
Pebrero 2024


“Maaari Akong Maging Isang Kaibigan,” Kaibigan, Peb. 2024, 13.

Humayo at Gawin

Maaari Akong Maging Isang Kaibigan

Tulad ni Nephi, maaari kang humayo at gawin ang iniuutos ng Panginoon. (Tingnan sa 1 Nephi 3:7.)

Larawan
Alt text

Larawang-guhit ni Corey Egbert

Inutusan tayo ng Tagapagligtas na ibigin ang ating kapwa tulad sa ating sarili (tingnan sa Mateo 22:36–39). Masusunod mo ang kautusang ito sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa iba. Subukan ang isa o dalawa sa mga ideyang nasa ibaba. O isulat ang sarili mong ideya!

  • Tabihan sa upuan ang isang taong baguhan.

  • Mag-hello sa isang taong nag-iisa.

  • Anyayahan ang isang tao na makipaglaro sa iyo.

  • Alamin ang tatlong bagong bagay tungkol sa isang tao.

Larawan
alt text

Mukhang malungkot ang isang batang lalaki sa klase ko sa oras ng recess. Kaya nilapitan ko siya at tinanong kung puwede kaming maglaro. Pagkatapos ay naglaro kami. Maganda ang pakiramdam ko dahil napasaya ko siya. At sumaya rin ako dahil dito.

Katie H., edad 7, Hesse, Germany