Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Bolivia
Pebrero 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Bolivia,” Kaibigan, Peb. 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Bolivia

Kung Paano Sinusunod ni Davinia si Jesus

Larawan
alt text

Sinusunod ni Davinia si Jesus sa pamamagitan ng pagsisimba. Gustung-gusto niyang marinig ang patotoo ng mga tao. “Masaya ako dahil napakarami kong natututuhan sa Primary,” sabi niya.

Minsan ay sumama siya sa kanyang pamilya para bisitahin ang Cochabamba Bolivia Temple. Pumasok ang kanyang mga magulang at kapatid upang magsagawa ng mga binyag para sa kanyang pamilya. Habang nakaupo si Davinia at ang pinsan niya sa waiting room, nadama niya ang Espiritu. “Masaya ako dahil alam ko na ang templo ang bahay ng Diyos,” sabi niya.

Nasasabik si Davinia na magsagawa ng mga binyag sa templo balang-araw. Hindi magtatagal at isang templo ang itatayo malapit sa bahay nila! Naghahanda siya sa pamamagitan ng pagsisimba, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pagdarasal.

Tungkol kay Davinia

Larawan
alt text

Hello!

Edad: 10

Mula sa: Santa Cruz, Bolivia

Wika: Spanish

Mithiin: 1) Maging isang veterinarian. 2) Matutong tumugtog ng piyano.

Mga Libangan: Paggawa ng mga craft

Pamilya: Davinia, Inay, Itay, tatlong kuya, at kanilang aso (si Pancho)

Mga Paborito ni Davinia

Kuwento sa Aklat ni Mormon: Paglalakbay ni Nephi sa disyerto

Holiday: Pasko

Prutas at gulay: Mga strawberry at pipino

Kulay: Lila

Awit sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2)

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Zhen Liu