2022
‘Wag Mo Akong Tusukin!
Agosto 2022


‘Wag Mo Akong Tusukin!

Larawan
two girls playing at park

Sina Cait at Lily ay magkaibigan. Mahilig silang sumakay sa swing at mag-slide.

Larawan
Lily poking Cait

Mahilig si Lily na tusukin si Cait. Pero hindi ito gusto ni Cait.

“Tusok, tusok!”

Larawan
Cait walking with mom

“Masaya ka bang nakipaglaro kay Lily?”

“Mahilig po si Lily na tusukin ako. Ayaw ko po nito.”

Larawan
mom and Cait walk into store

“Kung ayaw mong tinutusok ka niya, dapat mo itong sabihin sa kanya.”

“Pero paano po kung malungkot si Lily?”

Larawan
Cait imagining telling Lily to stop

“Kung hindi ka masaya , OK lang na sabihing huminto siya.”

Nais ng ating Ama sa Langit na pangalagaan natin ang ating mga katawan.

Larawan
mom talking to Cait

“Kapag may humawak sa iyo at ayaw mo ito, maaari mong sabihin sa kanya na huwag itong gawin.”

Larawan
Cait holding mom’s hand

“Siguro puwede po akong gumawa ng bagong laro na malalaro namin ni Lily.”

Larawan
mom looking at Cait

“Magandang ideya!”

Ang pinakamagagandang laro ay kapag nagkakasiyahan ang lahat!

Mga larawang-guhit ni Sebastien Braun