2022
Hinati ni Moises ang Dagat na Pula
Abril 2022


Masasayang Bagay

Hinati ni Moises ang Dagat na Pula

Gamitin ang script na ito para isadula ang kuwento. Mababasa mo ang iba pang tungkol dito sa Exodo 14.

Larawan
girl dressed up for play

Mga Papel na Gagampanan at Props

  • Mambabasa

  • Moises (may hawak na patpat o tungkod)

  • Faraon

  • Mga Israelita

  • Dalawang taong magtataas ng kumot para kumatawan sa Dagat na Pula

Mambabasa: Ang mga Israelita ay mga alipin noon sa Ehipto. Sinabi ng Panginoon kay Moises na akayin sila palabas ng Ehipto. Nagpunta sila sa Dagat na Pula.

[Tatayo si Moises at ang mga Israelita sa tabi ng kumot.]

Mambabasa: Nang umalis ang mga Israelita, nagalit ang Faraon.

Faraon: Kailangan natin silang hanapin at ibalik!

[Magkukunwari ang Faraon na nakasakay sa isang karwahe para hanapin si Moises at ang mga Israelita.]

Mambabasa: Nakita ng mga Israelita na paparating ang Faraon. Natakot sila.

Mga Israelita: Dapat ay nanatili tayo sa Ehipto. Ngayo’y baka mamatay tayo!

Moises: Huwag kayong matakot! Lalaban ang Panginoon para sa inyo.

Mambabasa: Sinabi ng Panginoon kay Moises na hawiin ang dagat.

[Itataas ni Moises ang kanyang tungkod. Itataas ang kumot ng mga taong may hawak dito.]

Mambabasa: Ngayo’y makakalakad na ang mga Israelita sa tuyong lupa!

[Lalakad si Moises at ang mga Israelita sa ilalim ng kumot.]

Mambabasa: Sinundan sila ng Faraon at ng kanyang mga tauhan. Sinabi ng Panginoon kay Moises na utusan ang dagat na tabunan sila.

[Lalakad ang Faraon sa ilalim ng kumot. Muling itataas ni Moises ang kanyang tungkod. Ibababa ang kumot ng mga nakahawak dito para takpan ang Faraon.]

Mambabasa: Naprotektahan ng Panginoon ang mga Israelita! Patuloy Niya silang pinrotektahan sa kanilang paglalakbay.