2021
Ang Ating Matibay na Pundasyon
Nobyembre 2021


Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Ang Ating Matibay na Pundasyon

Hango sa “Ang Templo at ang Inyong Espirituwal na Pundasyon,” Liahona, Nob. 2021.

Larawan
November 2021 Friend magazine.

Ang Salt Lake Temple ay itinayo mahigit 100 taon na ang nakararaan. Itinayo ito ng mga pioneer gamit ang mga kasangkapan noong panahong iyon. Napakaganda nito. Ngunit kung titingnan natin nang malapitan ang pundasyon, makikita natin na may ilang batong nalipasan na ng panahon. Maaari din tayong makakita ng mga puwang sa pagitan ng mga bato at ilang batong umuuga na.

Gumagawa na ngayon ang mga inhinyero, arkitekto, at karpintero para mas patibayin ang pundasyon ng templo. Kapag natapos sila, magiging sapat ang tibay ng templo para mapaglabanan ang mga lindol at malalakas na hangin. Sapat ang magiging tibay nito para tumagal nang napakaraming taon.

Kailangan nating itayo ang pundasyon ng ating buhay sa bato na ating Manunubos na si Jesucristo. Sa gayon kapag nagkaroon ng mga espirituwal na lindol, makakaya nating tumayo nang matibay.

Lahat ng natututuhan natin sa templo ay mas nagpapaunawa sa atin tungkol kay Jesucristo. Kapag matibay na nakatayo ang inyong espirituwal na pundasyon kay Jesucristo, hindi kayo kailangang matakot. Palalakasin kayo ng Kanyang kapangyarihan.

Si Jesucristo ang Aking Tiyak na Pundasyon

Larawan
coloring page of statue of Jesus

Kaliwa: Larawang-guhit ng templo na gawa ni Bailey Rees; retrato ni Pangulong Nelson sa kagandahang-loob ng Church News; Kanan: larawang-guhit ni Bryan Beach