2021
Mga Pagpapala ng Family History
Nobyembre 2021


Isinulat Mo

Mga Pagpapala ng Family History

Larawan
girl working on laptop with mom

Maliit pa ako, gusto ko nang gumawa sa FamilySearch tulad ng ginawa ng mga magulang ko. Tinulungan ako ng mga magulang ko na gumawa ng account nang mabinyagan ako. Talagang mabilis kong natutuhan kung paano mag-index ng mga pangalan.

Ang programang Mga Bata at Kabataan ay nakatulong sa akin na makasulong sa family history. Marami pa akong nalaman tungkol sa pamilya ko. Mas mahal ko pa ngayon ang pamilya ko. Gusto kong tulungan ang iba na pagkaisahin ang kanilang pamilya para sa kawalang-hanggan.

Magandang gawin ito para sa ating mga ninuno. Kamangha-manghang madama ang pagmamahal ng ating Ama sa Langit. Binibigyan Niya tayo ng posibilidad na maging mga walang-hanggang pamilya. Napakagandang malaman na maaari nating gawin ito para sa ating pamilya at sa iba pang mga pamilyang naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay.

Larawan
November 2021 Friend magazine.

Mga larawang-guhit ni Mina Price