Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Anak
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 76: Awitin ang “Ako ay Anak ng Diyos.” Tulungan ang inyong maliliit na anak sa pagsasabi ng, “Ako ay anak ng Ama sa Langit. Mahal Niya ako.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 77–80: Tulungan ang inyong maliliit na anak sa pagsasabi ng, “Nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesus ang ating magandang daigdig.” Lumabas kayo at ituro ang ilan sa mga likha ng Diyos na tinatamasa ng inyong mga kapamilya.
Para sa Doktrina at mga Tipan 81–83: Isipin ang isang tao na mapaglilingkuran ng inyong pamilya. Bigyan sila ng isang regalo o kard o tulungan sila sa isang bagay. Tulungan ang inyong maliliit na anak sa pagsasabi ng, “Kaya kong tumulong sa iba!”
Para sa Doktrina at mga Tipan 84: Magpakita ng larawan ng isang taong binibinyagan o tumatanggap ng basbas. Talakayin ang mabubuting damdaming hatid ng natatanging mga gawaing ito. Tulungan ang inyong mga maliliit na anak sa pagsasabi ng, “Pinagpapala ako ng priesthood.”
Mga paglalarawan ni Alessia Girasole