Sino Kami
Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang komunidad na binubuo ng mga tao mula sa iba’t ibang dako ng mundo na may iisang pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.
Ipinapamuhay na Pananampalataya
Mga Kaibigan at Kapitbahay
Makikita mo kaming nakatira, nagtatrabaho, at nag-aalaga ng mga pamilya sa buong mundo. Para sa amin, ang pakikibahagi sa aming komunidad ay isang paraan na maaari naming mahalin ang aming kapwa tulad ng itinuro ni Jesus.
Kongregasyong Aktibong Nakikibahagi
Sa halip na magkaroon ng mga binabayarang full-time na pari, kaming lahat ay may ginagampanang bahagi sa aming mga lokal na kongregasyon sa pamamagitan ng mga tungkulin sa pamumuno, tungkuling magbigay ng mensahe, at iba pang mga pagkakataong magboluntaryo.
Suporta sa Araw-araw
Para sa amin, ang simbahan ay higit pa sa pagsamba sa araw ng Linggo—ito rin ay isang lugar kung saan maaaring makahanap ng suporta sa pamamagitan ng mga kaibigan at karanasan na nagpapalakas ng pananampalataya at nagbibigay ng praktikal na tulong para sa mga hamon ng buhay.
Kami ay Nagtutulungan bilang mga Tagasunod ni Jesucristo
Pagpapabuti ng mga buhay at pagbubuo ng matatatag na komunidad
Kami ay Magkakasamang Sumasamba
Sa mahigit 30,000 mga lokal na kongregasyon sa buong mundo, ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa iba sa kanilang komunidad upang sumamba, manalangin, kumanta ng mga himno, at pag-aralan ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Kami ay Sama-samang Natututo
Sa mga ordinaryong araw ng linggo, ang mga taong may iba-ibang edad ay nagtitipon sa mga klase, tulad ng seminary para sa mga kabataan o institute para sa mga young adult, na sama-samang pinag-aaralan ang mga turo ni Jesus.
Naglilingkod Kami sa Iba
Ang mga proyekto sa paglilingkod ay regular na bahagi ng aktibidad ng simbahan at isang mahalagang paraan para masunod namin ang utos ng Diyos na mahalin ang ating kapwa.
Bumubuo Kami ng mga Ugnayan
Ang aming mga kongregasyon ay bahagi ng lugar kung saan kami nakatira, at kami ay nagsisikap upang kami ay maging mabubuting kapitbahay at kaibigan. Ang mga aktibidad ay masaya at mahalagang bahagi ng pagtatayo ng komunidad ng simbahan.
Pinalalakas Namin ang mga Pamilya
Ang matatag na pamilya ay naghahatid ng kagalakan sa buhay na ito at tumutulong sa atin na magkaroon ng uri ng mundong gusto natin. Ang aming karanasan at paglilingkod sa simbahan ay sumusuporta sa mas malalim at mas mapagmahal na ugnayan ng pamilya.
Pinagbubuti Namin ang Aming Sarili
Ang pagiging uri ng taong inaasam naming maging ay mahalagang bahagi ng aming buhay sa simbahan. Ang mga programa ng Simbahan ay tumutulong sa mga tao na matuto at umunlad kapwa sa espirituwal at sa mga praktikal na paraan sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesucristo.
Pamumuno sa Simbahan
“Kung paanong ang bawat isa ay tumanggap ng kaloob, ipaglingkod ito sa isa’t isa bilang mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos.” –
Naniniwala Kami sa mga Propeta at Apostol
Sinusunod ang huwarang itinatag ni Jesucristo para mapamunuan ang Kanyang mga tao noong panahon ng Biblia, ang Simbahan ngayon ay pinamumunuan ng isang propeta at mga apostol. Ang mga lider na ito ay naglilingkod at kumikilos sa ilalim ng Kanyang inspiradong patnubay. Alamin ang iba pa tungkol sa kanila dito .
Ang mga Lider ay Mula sa Iba’t Ibang Dako ng Mundo
Ang kalalakihan at kababaihan na may iba’t ibang pinagmulan ay tumutulong na pamahalaan ang gawain ng Simbahan sa pangkalahatan at sa partikular na mga rehiyon. Ang isang halimbawa nito ay ang mga kababaihang namumuno sa Relief Society .
Ang mga Lokal na Lider ay mga Ordinaryong Tao
Sa halip na magkaroon ng mga binabayarang full-time na pari, ang mga lokal na kongregasyon ay pinamumunuan ng mga miyembro ng Simbahan na nagboboluntaryo ng kanilang oras. Sinusuportahan sila ng iba pang mga miyembro ng Simbahan na tumutulong sa lahat ng bagay mula sa pagtuturo ng mga klase sa Sunday School hanggang sa paglilinis ng gusali ng simbahan.
Tinuturuan Namin ang Isa’t Isa
Kapag bumisita ka sa aming mga kongregasyon, mapapansin mo na tinuturuan namin ang isa’t isa at magkakasama kaming natututo mula sa mga banal na kasulatan. Naniniwala kami na lahat ay may mahalagang maiaambag, kaya hinihilingan ng mga lider ang iba’t ibang tao na mangaral sa pulpito, manalangin, at magturo sa mga klase.
Humiling na Maipakilala nang Personal
Kung interesado kang bisitahin ang lokal na kongregasyon sa inyong lugar, gusto naming maging komportable ka. Bago ka pa man bumisita, maaari kang makipagkita sa mga missionary para maipaalam nila sa iyo kung ano ang dapat mong asahan, sagutin ang iyong mga tanong, at matiyak na may mauupuan ka kapag handa ka nang bumisita.
Bigyang-Inspirasyon ang Iyong Inbox
Tumanggap ng nakasisiglang mga video, artikulo, at iba pa sa isang lingguhang email.