Tungkol sa Isyung Ito
Tema sa Buwang Ito: Pagkakaroon ng Self-Reliance
Mahal na mga mambabasa,
Medyo nahirapan kami sa katagang pag-asa sa sarili o self-reliance nang planuhin namin ang bahaging ito.
Sa isang banda, nais naming magkaroon kayo ng mga pamamaraan sa pagkakaroon ng mabuti at kasiya-siyang buhay at matustusan ang inyong sarili at ang inyong pamilya ngayon o magiging pamilya sa hinaharap. Sana’y alam ninyo na hindi ninyo kailangang umasa sa ibang tao para sa inyong mga patotoo. Nais namin kayong magkaroon ng kakayahan, maging handa, at, siyempre, makaasa sa sarili.
Sa kabilang banda, ayaw naming magbigay ng mensahe na ang pagkakaroon ng kakayahan ay nangangahulugan na kailangan ninyong gawin ang lahat nang mag-isa. Dahil, sa kabalintunaan, ang mga taong may lubos na kakayahan at umaasa sa sarili ay may matitibay na koneksyon—sa Tagapagligtas at sa mga tao sa paligid nila.
Kaya ang pakahulugan namin sa sel-reliance ay hindi lamang pag-asa sa inyong sarili; ito ay pagkakaroon ng mga kasanayan para magkaroon ng matatag at makabuluhang buhay. At hindi lamang mga temporal na kasanayan ang ibig naming sabihin tulad ng pagluluto ng masustansyang pagkain o pagpapalit ng gulong—ang pag-asa sa sarili ay angkop din sa mga kakayahang espirituwal, emosyonal, at pakikisalamuha sa iba.
Nasasaisip iyan, narito ang ilang kuwento para mahikayat kayo sa inyong pag-aaral:
-
Paano nakatulong kay Elder Morrison ng Pitumpu ang pagkuha ng patriarchal blessing para makahanap ng direksyon at layunin sa kanyang buhay
-
Ang mahabang pagsisikap ng isang young adult sa India na magbayad ng utang at magmisyon
-
Kung ano ang naghikayat sa isang young adult sa Pilipinas na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral, kahit siya ay nalulungkot at natatakot
-
Kung paano natutuhan ng isang young adult mula sa Peru na magkaroon ng mas banal na mga gawi nang mapalayo siya sa pamilya
May mga kuwento rin kami na bahagi ng aming patuloy na serye:
-
Itinatampok na Debosyonal: Payo mula kay Elder Boom ng Pitumpu tungkol sa pagbabalanse ng mga prayoridad
-
Mga Kasanayan sa Buhay: Mga kasanayang makakatulong sa inyo na magtagumpay sa paghahanap mo ng trabaho
-
Pag-aangkop ng Doktrina at mga Tipan sa Iyong Buhay: Suporta sa pag-aaral ninyo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin tungkol sa paghahangad na matuto sa labas ng pormal na edukasyon
-
Partikular na para sa mga Bagong Kasal: Paano hinaharap ng isang bata pang asawa’t ama ang pagkabalisa niya tungkol sa pagtustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya
Anumang mga kasanayan ang sinisikap ninyong taglayin, inaasahan namin na aasa kayo higit sa lahat kay Jesucristo. Kung tila nakababahala ang takbo ng ekonomiya, kung nag-aalala kayo na hindi kayang harapin ng inyong isipan ang hamon ng pang-araw-araw na buhay, o kung nahihirapan kayo sa inyong mga gawi sa ebanghelyo, dapat ninyong malaman na nariyan Siya para palakasin kayo. Nagtitiwala Siya sa inyo.
Huwag maliitin ang kakayahan ninyong maging mahusay at mahabaging disipulo ni Cristo na maaaring magtatag ng Kanyang Simbahan at magpala sa Kanyang mga anak.
Sinusuportahan namin kayo.
Alison Wood, Lingguhang YA Copyeditor