Jesucristo
Pagbabasbas sa Tubig


Pagbabasbas sa Tubig

O Diyos, ang Amang Walang Hanggan,
kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo,
na basbasan at gawing banal ang tubig
na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na iinom nito,
nang ito ay kanilang magawa bilang pag-alaala sa dugo ng inyong Anak,
na nabuhos alang-alang sa kanila;
nang kanilang mapatunayan sa inyo,
O Diyos, ang Amang Walang Hanggan,
na sila sa tuwina ay aalalahanin siya,
nang mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila.
Amen.