Mga Calling sa Mission
Mga Tanong sa Interbyu ng mga Prospective Missionary


Isang mag-asawang Cambodian na tinuturuan ng dalawang elder missionary sa likod ng isang berdeng gusali habang nakaupo sa kahoy na plataporma sa labas.

Mga Tanong sa Interbyu ng mga Prospective Missionary

Ang mga bishop at stake president ay inaanyayahan na “magsagawa ng lubusan, espirituwal na pagsasaliksik, at nakahihikayat na mga interbyu” sa bawat missionary candidate gamit ang sumusunod na mga tanong (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 24.4.2).

  1. May pananampalataya at patotoo ka ba sa Diyos Amang Walang Hanggan; sa Kanyang Anak na si Jesucristo; at sa Espiritu Santo?

  2. May patotoo ka ba sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa Kanyang papel na ginagampanan bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos?

    Mangyaring ibahagi sa akin ang iyong patotoo. Paano nakaimpluwensya ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa buhay mo?

  3. May patotoo ka ba sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?

    Paano napalalim ng iyong pagkaunawa sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at ng iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon ang iyong relasyon o ugnayan kay Jesucristo?

  4. Sinasang-ayunan mo ba ang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at bilang nag-iisang tao sa mundo na nagtataglay at may karapatang gamitin ang lahat ng susi ng priesthood?

    Sinasang-ayunan mo ba ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag?

    Sinasang-ayunan mo ba ang iba pang mga General Authority at mga lokal na lider ng Simbahan?

  5. Sinabi ng Panginoon na ang lahat ng bagay ay dapat “gawin sa kalinisan” sa Kanyang harapan (Doktrina at mga Tipan 42:41).

    Bakit kabilang sa pagsisikap na maging malinis sa harapan ng Diyos ang pag-iwas sa pornograpiya?

    Sa iyong pagkaunawa, ano ang kahulugan ng ipamuhay ang batas ng kalinisang-puri?

    Sinisikap mo bang gawing malinis ang iyong kaisipan at asal?

    Sinusunod mo ba ang batas ng kalinisang-puri?

  6. Sinusunod mo ba ang mga turo ng Ang Simbahan ni Jesucristo sa mga ikinikilos mo sa pribado at sa publiko kasama ang mga miyembro ng iyong pamilya at ang ibang tao?

  7. Itinataguyod o tinatangkilik mo ba ang anumang mga turo, kaugalian, o doktrinang salungat sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

  8. Sinisikap mo bang panatilihing banal ang araw ng Sabbath, kapwa sa tahanan at sa simbahan; dumadalo sa iyong mga miting; naghahanda para sa at marapat na tumatanggap ng sakramento; at namumuhay nang naaayon sa mga batas at kautusan ng ebanghelyo?

  9. Sinisikap mo bang maging tapat sa lahat ng iyong ginagawa?

  10. Nagbabayad ka ba ng buong ikapu?

  11. Sa iyong pagkaunawa, ano ang kahulugan ng ipamuhay ang Word of Wisdom?

    Sinusunod mo ba ang Word of Wisdom?

  12. Bilang full-time missionary mamumuhay ka ba ayon sa mga pamantayang ito na tinalakay natin?

  13. (Ang tanong na ito ay hindi ginagamit kapag nag-iinterbyu ng isang miyembro na hindi endowed.) Tinutupad mo ba ang mga tipang ginawa mo sa loob ng templo?

  14. (Ang tanong na ito ay hindi ginagamit kapag nag-iinterbyu ng isang miyembro na hindi endowed.) Iginagalang mo ba ang iyong sagradong pribilehiyo na isuot ang garment ayon sa itinagubilin sa mga panimulang ordenansa? (Basahin sa bawat miyembro ang pahayag na “Pagsusuot ng Temple Garment,” na isinama sa ibaba.)

  15. Ano ang ibig sabihin sa iyo ng magsisi, kabilang na ang pagkumpisal o pagtatapat ng mabibigat na kasalanan sa mga awtoridad ng priesthood?

    May mabibigat na kasalanan ba sa iyong buhay na kailangang iresolba sa mga awtoridad ng priesthood bilang bahagi ng iyong pagsisisi?

  16. Itinuturing mo ba ang iyong sarili na karapat-dapat na maging kinatawan ni Jesucristo at ng Kanyang ipinanumbalik na Simbahan bilang isang missionary?

Pagsusuot ng Temple Garment

“Ang garment o kasuotan ng banal na priesthood ay nagpapaalala sa atin sa tabing sa templo, at ang tabing na iyon ay sumisimbolo kay Jesucristo. Kapag nagsusuot ka ng iyong garment, isinusuot mo ang sagradong simbolo ni Jesucristo. Ang pagsusuot nito ay panlabas na pagpapakita ng tapat na pangako sa iyong kalooban na sundin Siya. Ang garment ay isa ring paalala sa iyong mga tipan sa templo. Dapat mong isuot ang garment araw at gabi sa buong buhay mo. Kapag kailangang hubarin ito para sa mga aktibidad na hindi magagawa habang nakasuot ng garment, isuot ito agad pagkatapos. Kapag tinutupad mo ang iyong mga tipan, kabilang na ang sagradong pribilehiyong magsuot ng garment ayon sa itinagubilin sa mga panimulang ordenansa, mas matatanggap mo ang awa, proteksyon, lakas, at kapangyarihan ng Tagapagligtas” (Pangkalahatang Hanbuk, 26.3.3.2).

mga sister missionary na naglalakad-lakad sa New York
mag-asawang missionary na nakikipag-usap sa mga tao