Kalusugan ng Pag-iisip
3: Paano ko maisasaalang-alang ang paggaling?


“3: Paano ko maisasaalang-alang ang paggaling? Alin sa mga panggagamot at mga gamot ang pinakamabisa?” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito (2019)

“Paggaling, mga Paggamot, at mga Gamot,” Kalusugang Pangkaisipan: Saan Pa Malalaman ang Tungkol Dito

Larawan
lalaking nakatingin sa paglubog ng araw

Paano ko maisasaalang-alang ang paggaling? Alin sa mga panggagamot at mga gamot ang pinakamabisa?

Ang paggaling mula sa karamdaman sa pag-iisip ay posible. Dahil ang realidad na mabuhay nang may problema sa kalusugang pangkaisipan ay lubhang magkakaiba sa bawat tao, hindi maaaring magrekomenda ng iisang uri ng pangagamot o gamot. Humingi ng payo sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng isang kapamilya, kaibigan, bishop, o isang mental health professional. Pag-isipan nang may panalangin ang iyong mga pagpipilian at aktibong makibahagi sa proseso ng iyong paggaling. Sa kabila ng iyong mga problema, maaari kang magkaroon ng masayang buhay, magkaroon ng mga tungkulin sa Simbahan at maglingkod sa Simbahan, tumulong sa inyong komunidad, at magkaroon ng makabuluhang pakikipag-ugnayan.