“Layunin,” Panimulang Gabay para sa Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2019)
“Layunin,” Panimulang Gabay para sa Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Layunin
Upang mapalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo at tulungan kayo at ang inyong pamilya na umunlad sa landas ng tipan sa pagharap ninyo sa mga hamon ng buhay.
Maghangad ng Paghahayag
Malalaman ninyo mismo—sa edad ninyo ngayon—kung paano makatanggap ng personal na paghahayag. At wala nang gagawa ng mas malaking epekto sa buhay ninyo kaysa dito!
—Pangulong Russell M. Nelson, “Pag-asa ng Israel,” pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018, suplemento sa New Era at Ensign, 2, ChurchofJesusChrist.org
Gamitin ang Kalayaan
Mga hangarin ang nagdidikta ng ating mga prayoridad, mga prayoridad ang humuhubog sa ating mga pasiya, at mga pasiya ang batayan ng ating mga kilos. Ang mga hangarin na sinisikap nating kamtin ang batayan ng ating pagbabago, ating tagumpay, at ating kahihinatnan.
—Pangulong Dallin H. Oaks, “Hangarin,” Liahona, Mayo 2011, 42
Bumuo ng Mabubuting Pagsasamahan
Kailangan nating lahat ng mga tunay na kaibigang magmamahal, makikinig, magpapakita ng halimbawa, at magpapatotoo ng katotohanan sa atin upang mapanatili natin ang patnubay ng Espiritu Santo. Dapat ay ganoong uri kayo ng kaibigan.
—Pangulong Henry B. Eyring, “True Friends,” Ensign, Hulyo 2002, 29