Mga Pundasyon ng Ebanghelyo: Isang Klase sa Sunday School para sa mga Bagong Miyembro at Kaibigan
Maaaring piliin ng mga ward council na mag-organisa ng isang opsiyonal na klase sa Sunday School na tinatawag na Mga Pundasyon ng Ebanghelyo. Ang klaseng ito ay naglalayong tulungan ang mga bagong miyembro at kaibigan na:
-
Maramdaman na sila ay malugod na tinatanggap, komportable, pinahahalagahan, at kinakailangan sa ward o branch.
-
Magkaroon ng mga karanasang maghahanda sa kanila para sa panghabambuhay na pagkadisipulo sa Simbahan ng Tagapagligtas.
-
Alamin ang mga pangunahing katotohanan ng ipinanumbalik na ebanghelyo ng Tagapagligtas.
Bagama’t ang klaseng ito ay nilayon para sa mga bagong miyembro at kaibigan na nasa hustong gulang, maaari ring anyayahang dumalo ang mga bumabalik na miyembro. Ang mga bata at kabataan ay karaniwang dumadalo sa mga klase kasama ang kanilang mga age-group.
Kasama sa kursong ito ang mga paksa sa talakayan at karanasan upang matulungan ang mga bagong miyembro at kaibigan na maging mga panghabambuhay na disipulo ni Jesucristo. Isaalang-alang ang pagtutuon sa mga paksa at karanasan na pinakamahalaga sa mga tao sa klase.
Pagkatapos ng dalawa hanggang apat na buwan, ang mga bagong miyembro ay sasali sa isang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin na klase sa Sunday School kasama ang iba pang miyembro ng ward o branch.