Mga Kabataan
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili (2022)

“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Larawan
Ipinintang larawan ng isang babae na sinusuri ang kamay ni Jesus sa kalipunan ng mga taong nakamasid.

Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Minamahal naming mga batang kapatid,

Mahal namin kayo at may tiwala kami sa inyo. Tunay na kabilang kayo sa mga piling espiritu ng Ama sa Langit, na isinugo sa lupa sa panahong ito para gumawa ng mahahalagang bagay.

Maaaring may mga pagkakataon na pakiramdam ninyo ay hindi kayo malakas o wala kayong kakayahan. Normal lamang iyan. Sa mga sandaling iyon, lalo kayong lumapit sa Tagapagligtas. Siya ang “lakas ng mga kabataan.”

Tutulungan kayo ng gabay na ito na magtayo ng matibay na pundasyon sa paggawa ng mga desisyon na manatili sa landas ng tipan. Tutulungan kayo nito na maghandang gumawa ng mga sagradong tipan sa templo, maghandang magmisyon, at magalak sa pagsunod kay Jesucristo sa buong buhay ninyo. Sana’y madama ninyo na kabilang kayo sa Simbahan ng Tagapagligtas at magkaroon kayo ng kapangyarihan mula sa Kanya na maisakatuparan ang Kanyang mga layunin para sa inyo.

Alam namin na buhay ang Diyos. Dalangin namin na manatili kayong matatag sa landas ng tipan pabalik sa inyong Ama sa Langit. Sa paggawa nito, magiging impluwensya kayo para sa kabutihan, na masayang nagbabahagi ng ebanghelyo at naghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Ang Unang Panguluhan