EnglishConnect para sa mga Missionary
Lesson 25: Magrebyu


“Lesson 25: Magrebyu,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 25,” EnglishConnect 2 para sa mga Mag-aaral

mga batang lalaking nakangiti at magkayakap

Lesson 25

Review

Layunin: Magrerebyu ako ng EnglishConnect 2 at magninilay tungkol sa aking karanasan.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang D.

icon a
Study the Principle of Learning: Learn by Study and by Faith

Matuto sa Pamamagitan ng Pag-aaral at Pananampalataya

I can rely on God to seek learning by study and by faith.

Maaari akong umasa sa Diyos na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

Binigyan na tayo ng Panginoon ng isang pattern sa pagkatuto:

“Masigasig na maghanap at turuan ang bawat isa ng mga salita ng karunungan; oo, maghanap kayo sa pinakamabubuting aklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).

Pagnilayan ang mga karanasan mo sa EnglishConnect. Paano mo nagamit ang pattern na ito? Pagnilayan ang mga alituntunin ng pagkatuto at mga pahayag na magkakasama nating natutuhan:

  • “Ikaw ay anak ng Diyos”—Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.

  • “Manampalataya kay Jesucristo”—Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nanampalataya ako sa Kanya.

  • “Tanggapin ang Responsibilidad”—May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.

  • “Mahalin at turuan ang isa’t isa”—Maaari akong matuto mula sa Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ang iba.

  • “Magpatuloy sa paglakad”—Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.

  • “Sumangguni sa Panginoon”—Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.

Maaaring patapos na ang panahon mo kasama ang iyong EnglishConnect group, ngunit marami pang ibang bagay na nais ng Diyos na matutuhan at maranasan mo. Mahal ka ng iyong Ama sa Langit at nais ka Niyang tulungang maabot ang iyong banal na potensyal. Maaari kang umasa sa Diyos at patuloy na “maghangad na matuto, sa pamamagitan ng pag-aaral at gayundin sa pamamagitan ng pananampalataya.”

lalaki at babaeng nakangiti

Ponder

  • Paano mo naranasan ang pag-ibig at tulong ng Diyos sa pagkatuto ng Ingles?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntunin ng pagkatuto sa EnglishConnect?

  • Paano mo magagamit ang mga alituntuning ito ng pagkatuto sa iba pang mga aspeto ng iyong buhay?

icon b
Prepare for Activity 1

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 1. Sumulat ng isang tanong at sagot para sa bawat pamilya sa aktibidad. Basahin ang mga iyon nang malakas. Tingnan ang lesson 4 at lesson 5 para sa bokabularyo at mga pattern.

icon c
Prepare for Activity 2

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 2. Pumili ng isang larawan. Sumulat ng apat na tanong at sagot tungkol sa kaganapang iyon. Basahin ang mga iyon nang malakas. Tingnan ang lesson 12 at lesson 23 para sa bokabularyo at mga pattern.

icon d
Prepare for Activity 3

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 3 bahagi 1. Sumulat ng tatlong tanong at sagot para magplano ng kaganapan. Basahin ang mga iyon nang malakas. Tingnan ang lesson 17 at lesson 22 para sa bokabularyo at mga pattern.

Ulitin para sa aktibidad 3 bahagi 2.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 2 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Learn by Study and by Faith

(20–30 minutes)

lalaki at babaeng nakangiti

icon 1
Activity 1: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat pamilya. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Maging malikhain! Magsalitan.

Example

litrato ng pamilya na may magkakaibang henerasyon na nasa sopa
  • A: How many grandchildren does he have?

  • B: He has two grandchildren.

  • A: Tell me about his daughter-in-law.

  • B: She is thirty years old, short, intelligent, and thoughtful.

  • A: How are the grandfather and the grandmother different?

  • B: The grandfather is more generous than the grandmother.

  • A: How are this sister and that sister different?

  • B: This sister is older. That sister is younger.

Image 1

litrato ng ina at anak na lalaki

Image 2

litrato ng pamilyang may siyam na tao

Image 3

pamilyang nag-uusap sa sala

Image 4

mga lolo at lola at mga apo na nasa labas

icon 2
Activity 2: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Magdula-dulaan. Si partner B ay dumalo sa kaganapang nasa litrato. Tinatanong ni partner A ang tungkol sa kaganapan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Maging malikhain! Magpalitan ng ginagampanang papel.

Example

mga magkakaibigang nasisiyahan sa handaan at nagdiriwang
  • A: Where were you last night?

  • B: I was at a birthday party.

  • A: How was the birthday party?

  • B: It was fun. I had a wonderful time. There were lots of gifts.

  • A: What did you do?

  • B: We listened to music, danced, and shared memories.

  • A: Was there cake at the birthday party?

  • B: Yes, there was cake!

Image 1

magkakapatid na babaeng nagtatawanan at kumakain ng hapunan

Image 2

amang tinutulungan ang mga batang mag-ayos ng mga pamingwit

Image 3

mag-asawa sa kasal

Image 4

pamilyang gumagawa ng kastilyong buhangin

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Part 1

Magdula-dulaan. Si partner B ay nagpaplano ng kaganapan sa iyong komunidad. Magtatanong si partner A upang tumulong sa pagpaplano. Maging malikhain! Magpalitan ng ginagampanang papel.

Example
pagdiriwang ng mga kuwitis
  • A: What will we do?

  • B: We will have a celebration.

  • A: OK! What will happen at the celebration?

  • B: It will be a celebration of our city. There will be games, snacks, a band, and fireworks.

  • A: Who will be there?

  • B: People from our community.

  • A: What day will it be?

  • B: It will be on August 1st.

  • A: When is it going to be?

  • B: It’s going to start at 6:30 p.m. It’s going to end after midnight.

Part 2

Magdula-dulaan. Aanyayahan ni partner A si partner B sa kaganapang pinlano mo sa part 1. Magtanong at sumagot ng mga follow-up na tanong. Hindi madakadalo si partner B. Maging malikhain! Magpalitan ng ginagampanang papel.

Example
  • A: Do you want to come to a celebration with me?

  • B: When is it?

  • A: It’s on Friday, May 10th at 6:30 p.m.

  • B: What will happen at the celebration?

  • A: There will be fireworks and games.

  • B: Sorry, I can’t come to the celebration because I need to study for a test.

  • A: Can you please come to the celebration with me?

  • B: No, I can’t come because I have to get a good grade on my test.

Reflection

(5–10 minutes)

Binabati ka namin! Malayo na ang narating mo. Ipinagmamalaki namin ang lahat ng pagsisikap at panahong ginugol mo sa pagkatuto ng Ingles.

Pagnilayan ang mga karanasan mo sa EnglishConnect 2 at magtakda ng mga mithiin para sa hinaharap.

  • Magbahagi ng tatlong bagay na natutuhan mo na pinaka-nakatulong sa iyo.

  • Paano mo patuloy na paghuhusayin ang iyong Ingles?

  • Isipin ang mga alituntunin ng pagkatuto. Paano mo magagamit ang mga alituntuning ito sa buhay mo?

Ang Iyong Susunod na Hakbang

Ngayong nakumpleto mo na ang EnglishConnect 2, pag-isipang tumuloy sa EnglishConnect 3. Para malaman ang iba pa, bumisita sa join.englishconnect.org.

Hindi pa handang magsimula sa EnglishConnect 3? Patuloy na matuto ng Ingles sa EnglishConnect 2.

Anuman ang susunod mong gagawin, tandaan na ikaw ay anak ng Diyos at matutulungan ka Niyang umunlad.

Act in Faith to Practice English Daily

“Kunin ang lahat ng edukasyong kaya mo. … Edukasyon ang susi na magbubukas sa pintuan ng mga oportunidad para sa inyo. Sulit itong pagsakripisyuhan. Sulit itong pagsikapan, at kung tuturuan ninyo ang inyong isipan at mga kamay, malaki ang maiaambag ninyo sa lipunang inyong ginagalawan, at magiging marangal na halimbawa kayo sa Simbahang inyong kinasasapian” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley [2016], 270).