“Unit 4: Konklusyon—Paglalarawan sa mga Trabaho at Pagkain,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Unit 4: Konklusyon,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Unit 4: Conclusion
Describing Jobs and Food
Binabati ka namin! Nakumpleto mo ang unit 4. Maaari ka na ngayong magsalita tungkol sa iyong trabaho at magtanong para malaman ang trabaho ng mga taong nakikilala mo. Maaari ka ring magsalita tungkol sa pagkain at magpaliwanag ng iyong mga opinyon tungkol sa pagkain. Mahahalagang kasanayan ang mga iyan. Patuloy na mag-aral at magsikap. Pagpapalain ka ng Panginoon.
Evaluate
Evaluate Your Progress
Mag-ukol ng sandali para magmuni-muni at ipagdiwang ang lahat ng naisakatuparan mo.
I can:
-
Talk about my job.
Magsalita tungkol sa trabaho ko.
-
Describe foods I like and dislike.
Ilarawan ang mga pagkaing gusto at ayaw ko.
-
Explain why I like or dislike foods.
Ipaliwanag kung bakit gusto o ayaw ko ang mga pagkain.
-
Order food and take someone’s order.
Mag-order ng pagkain at kunin ang order ng iba.
-
Apply principles of learning by study and by faith.
Gamitin ang mga alituntunin ng pagkatuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.
Para mas masubaybayan ang iyong pag-unlad, magpunta sa englishconnect.org/assessments at kumpletuhin ang opsyonal na assessment para sa unit na ito.
Evaluate Your Efforts
Rebyuhin ang iyong mga pagsisikap para sa unit na ito sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Umuunlad ka ba tungo sa iyong layunin? Ano ang magagawa mo sa ibang paraan para makamtan ang iyong mga mithiin?
Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw habang naghahanda ka para sa EnglishConnect 2.
Para malaman ang iba pa kung paano mapapalawak ng EnglishConnect ang iyong mga oportunidad, bisitahin ang englishconnect.org.