“Lesson 10: Mga Gawain sa Araw-araw,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 10,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 10
Daily Routines
Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa araw-araw na gawain ng isang tao.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: You Are a Child of God
Ikaw ay Anak ng Diyos
I am a child of God with eternal potential and purpose.
Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.
Ikaw ay anak na babae o anak na lalaki ng Diyos. Napakarami Niyang gustong matutuhan mo. Gusto Niyang tulungan kang maabot ang iyong walang-hanggang potensyal. Kung minsa’y maaaring tila imposible ito. Sa Biblia, mababasa natin ang tungkol sa isang dalagang nagngangalang Maria. Nagpakita sa kanya ang isang anghel at sinabihan na siya ang magiging ina ni Jesucristo, ang Tagapagligtas ng lahat. Palalakihin niya ang Anak ng Diyos sa lupa bilang sarili niyang anak. Marahil ay nabigla si Maria sa gusto ng Ama sa Langit na ipagawa sa kanya at kahinatnan niya, ngunit sinabi sa kanya ng anghel:
“Sapagkat sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari” (Lucas 1:37).
Sa Diyos, ang imposible ay nagiging posible. Si Maria ang naging ina ng Anak ng Diyos. Tulad ni Maria, nais ng Diyos na tulungan kang maabot ang iyong potensyal at matupad ang iyong layunin sa buhay. Manalangin sa Kanya at itanong sa Kanya kung ano ang nais Niyang ipagawa sa iyo. Sundin ang mga ideya at damdaming natatanggap mo mula sa Kanyang Espiritu. Gagabayan ka Niya. Marahil ay kailangan mong matuto ng Ingles para makapag-aral ka o matustusan mo ang iyong pamilya. Tandaan na “sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.” Sa Diyos, maaari kang matuto ng Ingles. Sa Diyos, maaabot mo ang iyong walang-hanggang potensyal.
Ponder
-
Ano sa pakiramdam mo ang gustong ipagawa sa iyo ng Diyos?
-
Kapag inanyayahan ka ng Diyos na gumawa ng mga bagay na sa palagay mo ay imposible, paano mo mapipiling kumilos nang may pananampalataya?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita mula sa bahaging “Memorize Vocabulary” sa iyong praktis sa araw-araw.
|
daily routine |
gawain sa araw-araw |
Nouns
|
morning |
umaga |
|
afternoon |
hapon |
|
evening |
gabi |
Verbs
|
brush my teeth/brushes his teeth |
magsipilyo ng aking ngipin/nagsisipilyo ng kanyang ngipin |
|
clean the house/cleans the house |
linisin ang bahay/naglilinis ng bahay |
|
do my hair/does her hair |
ayusin ang aking buhok/nag-aayos ng kanyang buhok |
|
exercise/exercises |
mag-ehersisyo/nag-eehersisyo |
|
get dressed/gets dressed |
magbihis/nagbibihis |
|
get ready/gets ready |
maghanda/naghahanda |
|
go to bed/goes to bed |
matulog/natutulog |
|
go to school/goes to school |
pumasok sa paaralan/pumapasok sa paaralan |
|
go to the store/goes to the store |
magpunta sa tindahan/nagpupunta sa tindahan |
|
go to work/goes to work |
pumasok sa trabaho/pumapasok sa trabaho |
|
make breakfast/makes breakfast |
maghanda ng almusal/naghahanda ng almusal |
|
make the bed/makes the bed |
magligpit ng higaan/nagliligpit ng higaan |
|
shave/shaves |
mag-ahit/nag-aahit |
|
take a shower/takes a shower |
maligo/naliligo |
|
wake up/wakes up |
gumising/gumigising |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: Do you (verb) in the (noun)?A: Yes, I (verb) in the (noun).
Questions
Answers
Examples
Q: Do you exercise in the morning?A: Yes, I exercise in the morning.
Q: Does he make breakfast in the morning?A: No, he makes the bed in the morning.
Q: Does she brush her teeth in the evening?A: Yes, she brushes her teeth in the evening.
Q: Do you go to the store in the morning?A: No, I go to the store in the afternoon.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang pansinin ang mga pattern na ito sa iyong araw-araw na praktis.
Q: What do you do before you (verb)?A: Before I (verb), I (verb).
Questions
Answers
Examples
Q: What do you do before you make breakfast?A: Before I make breakfast, I exercise.
Q: What does he do after he gets ready?A: After he gets ready, he goes to the store.
Q: What does she do after she makes breakfast?A: She goes to work.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Additional Activities
Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.
Act in Faith to Practice English Daily
Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.
Conversation Group
Discuss the Principle of Learning: You Are a Child of God
(20–30 minutes)
-
Basahin nang malakas ang alituntunin ng pagkatuto para sa lesson na ito.
-
Tatalakayin ang mga tanong.
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa aktibidad sa bawat larawan. Magsalitan.
Example
-
A: Do you brush your teeth in the morning?
-
B: Yes, I brush my teeth in the morning.
-
A: What do you do after you brush your teeth?
-
B: After I brush my teeth, I get dressed.
Image 1
Image 2
Image 3
Image 4
Image 5
Image 6
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Part 1
Si partner A ay isang tanyag na tao. Iniinterbyu ni partner B ang tanyag na tao tungkol sa kanyang mga gawain sa araw-araw. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magpalitan ng ginagampanang papel.
Example
-
A: Do you make your bed in the morning?
-
B: No, I don’t make my bed in the morning.
Part 2
Pumili ng tatlong miyembro ng pamilya. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa araw-araw na gawain ng bawat tao. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What does your sister do before she goes to work?
-
B: Before she goes to work, she does her hair.
Evaluate
(5–10 minutes)
I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.
Evaluate Your Progress
I can:
-
Say what I do in my daily routine.
Sabihin kung ano ang ginagawa ko sa aking pang-araw-araw na gawain.
-
Say what someone does in their routine.
Sabihin kung ano ang ginagawa ng isang tao sa kanyang araw-araw na gawain.
-
Ask what someone does in their routine.
Itanong kung ano ang ginagawa ng isang tao sa kanyang araw-araw na gawain.
Evaluate Your Efforts
I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:
-
Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.
-
Isaulo ang bokabularyo.
-
Praktisin ang mga pattern.
-
Magpraktis araw-araw.
Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”
Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.
Act in Faith to Practice English Daily
“Alamin sa inyong sarili kung sino kayo talaga. Itanong sa inyong Ama sa Langit, sa pangalan ni Jesucristo, kung ano ang nadarama Niya para sa inyo at sa misyon ninyo rito sa lupa. Kung kayo ay magtatanong nang may tunay na layunin, sa paglipas ng panahon ay ibubulong sa inyo ng Espiritu ang katotohanang magpapabago sa inyong buhay. Itala ang mga impresyong iyon at rebyuhin ang mga iyon nang madalas, at sundin nang may katumpakan.
“Nangangako ako sa inyo na kapag naunawaan ninyo kahit kaunti kung ano ang tingin sa inyo ng inyong Ama sa Langit at kung ano ang inaasahan Niyang gagawin ninyo para sa Kanya, magbabago ang inyong buhay magpakailanman!” (Russell M. Nelson, Facebook, Set. 10, 2019, facebook.com/russell.m.nelson).