EnglishConnect para sa mga Missionary
Pambungad


“Pambungad,” Audio para sa EnglishConnect 2 Workbook (2024)

“Pambungad,” Audio para sa EnglishConnect 2 Workbook

magkakaibigan sa Tonga na magkakapit-bisig

Pambungad

Ang EnglishConnect workbook ay nilayon upang gamitin bilang katuwang na resource sa EnglishConnect 2 for Learners. Ang layunin ng workbook na ito ay tulungan kang mapahusay ang iyong mga kasanayan sa Ingles at mapalakas ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga aktibidad at kuwento. Tutulungan ka rin nitong praktisin ang bokabularyo o talasalitaan at mga istruktura para sa bawat isa sa mga EnglishConnect lesson sa lahat ng apat na aspekto ng kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Ang bawat lesson sa workbook ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi na nakalista sa ibaba.

Conversation(s) (Mga Pag-uusap)

Ang bawat lesson ay nagsisimula sa isa o mahigit pang mga pag-uusap. Ang layunin ay ipaalam ang talasalitaan, paksa, at mga istruktura sa lesson at paunlarin ang pag-unawa sa naririnig at nababasa. Ang bawat bahaging “Conversation” ay sumusunod sa parehas na huwarang ito:

  1. Listen. Pakinggan ang buong pag-uusap.

  2. Listen and repeat. Pakinggan ang pag-uusap nang paisa-isang linya, at ulitin nang malakas ang narinig mo.

  3. Write the missing word. Isulat ang mga salitang nawawala mula sa pag-uusap. Pumili mula sa mga salitang nasa kahon.

  4. Read aloud. Basahin nang malakas ang pag-uusap para mapraktis ang pagsasalita.

  5. Answer the questions (hindi kasama sa bawat lesson). Tinitingnan sa bahaging ito ang pagkaunawa mo sa pag-uusap.

Activities 2–8 (Mga Aktibidad 2–8)

Iba-iba ang dami ng mga aktibidad sa bawat lesson. Kabilang sa mga aktibidad na ito ang mga grammar chart; pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at pagsasalita; at mga kuwento. Sundin ang mga tagubilin para sa bawat bahagi ng isang aktibidad. Para sa mga aktibidad sa pakikinig, sumangguni sa kaugnay na bilang at letra ng aktibidad na nasa audio recording—halimbawa, “Activity 2B.” Para sa mga aktibidad sa pagsasalita, alalahaning magsalita nang malakas. Maaari mong tingnan kung tama ang iyong mga sagot sa “Answer Key” sa likod ng aklat na ito.

Practice Partner Instructions (Mga Tagubilin sa Practice Partner)

Ang bahaging ito ay nilayong tulungan ka na magpraktis ng pagsasalita ng Ingles gamit ang natutuhan mo sa lesson. Kasama ang isang partner, rebyuhin ang “Vocabulary” sa likod ng aklat na ito at gawin ang mga aktibidad sa bahaging ito. Sabihin ang lahat ng kaya mong sabihin para sa bawat aktibidad. Gamitin ang oras na ito para talagang magpraktis sa pagsasalita ng Ingles.

Expansion Activities (Mga Expansion Activity)

Ang mga kuwento at aktibidad na ito ay nilayong palawakin ang iyong mga kakayahan na magbasa, makinig, magsalita, at magsulat sa Ingles at dagdagan ang iyong pananampalataya kay Jesucristo. Ang bawat bahaging “Expansion Activities” ay nakabatay sa isang kuwentong nagbibigay-inspirasyon. Para sa bahaging ito, gawin ang mga sumusunod:

  1. Learn the vocabulary. Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita at parirala sa talasalitaan na ibinigay sa bahaging ito bago mo basahin ang kuwento. Makakatulong ito sa iyo na maghandang basahin ang kuwento at maunawaan din ang mahahalagang salita at parirala sa kuwento.

  2. Listen. Pakinggan ang bawat bahagi ng kuwento. Maaari mong gawin ito nang maraming beses kung kailangan mo.

  3. Read aloud. Basahin nang malakas ang kuwento para makapagpraktis ng pagbabasa at pagbigkas at matulungan kang maunawaan ang kuwento. Maaari mong pakinggang muli ang kuwento at sabayan ito ng pagbabasa.

  4. Learn the vocabulary. Ang talasalitaang ito ay para tulungan kang maunawaan ang mga banal na kasulatan at ang mga siping kasama sa kuwento. Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita at parirala sa talasalitaan na ibinigay bago mo pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang mga sipi.

  5. Read aloud. Para makapagpraktis ng pagbabasa at pagbigkas, tiyaking basahin nang malakas ang mga banal na kasulatan at ang mga sipi nang ilang beses.

  6. Ponder. Ang mga tanong na ito ay nilayong tulungan kang pag-isipan ang alituntuning itinuturo sa kuwento. Mag-ukol ng panahon na pagnilayan ang mga ito. Maaari mong isulat ang iyong sagot sa tanong o mga tanong.

  7. Write. Para sa bahaging ito, gagawa ka ng isang aktibidad sa pagsusulat na nilayong tulungan kang ipamuhay ang alituntunin ng kuwento.

  8. Speak. Para sa bahaging ito, gagawa ka ng isang aktibidad sa pagsasalita na nilayong tulungan kang ipaliwanag ang kuwentong nabasa mo at ang alituntuning natutuhan mo. Kabilang sa mga aktibidad na ito ang muling pagsasalaysay ng kuwento, pagsasabi ng isang kaugnay na personal na karanasan, o pagbabahagi ng mga kabatiran at mga kaugnay na mithiin sa iba.

Gabay sa mga Tagubilin sa Workbook na Ito

Ipinapakita sa sumusunod na table ang mga tagubilin na karaniwang ginagamit sa workbook na ito. Ipinapahiwatig ng mga icon ang mga kasanayang gagamitin sa mga aktibidad. Tingnan ang pagsasalin para sa mga tagubilin kung hindi mo nauunawaan ang mga ito sa Ingles.

icon sa pakikinig
Listening

Pakikinig

Listen.

Makinig.

Listen and repeat.

Makinig at ulitin.

Listen to the question / example.

Makinig sa tanong / halimbawa.

Listen and read.

Makinig at magbasa.

Listen, and then answer the question.

Makinig, at pagkatapos ay sagutin ang tanong.

You may listen more than once.

Maaari kang makinig nang maraming beses.

*Ang audio para sa aklat na ito ay maa-access sa Gospel Library o sa englishconnect.org/audio.

icon sa pagsasalita
Speaking

Pagsasalita

Repeat.

Ulitin.

Answer aloud.

Sumagot nang malakas.

Introduce __________.

Pasimulan ang _____.

Retell the story.

Muling isalaysay ang kuwento.

Tell the story / scripture to _________.

Isalaysay ang kuwento / talata ng banal na kasulatan kay____.

Practice saying the questions aloud.

Magpraktis na sabihin nang malakas ang mga tanong.

Say __________.

Sabihin __________.

Practice saying __________.

Magpraktis na sabihing _____.

icon ng pagbasa
Reading

Pagbabasa

Read aloud.

Magbasa nang malakas.

Read aloud, then listen.

Magbasa nang malakas, pagkatapos ay makinig.

Read the question.

Basahin ang tanong.

Study the chart.

Pag-aralan ang tsart.

Choose the correct response.

Piliin ang tamang sagot.

Choose all that are correct.

Piliin ang lahat ng tama.

Answer the questions.

Sagutin ang mga tanong.

Number the pictures.

Lagyan ng numero ang mga larawan.

Learn the vocabulary.

Pag-aralan ang talasalitaan.

Read the scriptures aloud.

Basahin nang malakas ang mga banal na kasulatan.

Ponder.

Magnilay-nilay.

icon sa pagsusulat
Writing

Pagsusulat

Write the missing / correct word.

Isulat ang nawawalang / tamang salita.

Rewrite the complete sentence.

Muling isulat ang kumpletong pangungusap.

Write what you hear.

Isulat ang maririnig mo.

Fill in the blanks / missing words.

Punan ang mga patlang / nawawalang salita.

Write an / the answer (in a complete sentence).

Isulat ang sagot (sa isang kumpletong pangungusap).

Finish the sentence.

Tapusin ang pangungusap.

Be creative.

Maging malikhain.

Ang pag-aaral ng isang bagong wika ay isang prosesong nangangailangan ng oras, pasensya, at pagtitiyaga. Matutulungan ka ng Diyos na isakatuparan ang iyong mga mithiin. Manalangin para sa tulong. Masigasig na kumpletuhin ang mga aktibidad sa workbook na ito. Ipamuhay ang natututuhan mo. Kapag kumilos ka nang may pananampalataya upang humingi ng tulong sa Diyos at gawin ang lahat ng makakaya mo, mas huhusay kang magsalita, makinig, magbasa, at magsulat sa Ingles.

Nawa’y magtagumpay ka sa pag-aaral mo ng Ingles!