Pag-aaral ng Ingles
Ano ang Kakaiba sa EnglishConnect?


“Ano ang Kakaiba sa EnglishConnect?,” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)

“Ano ang Kakaiba sa EnglishConnect?,” EnglishConnect para sa mga Guro

tatlong taong magkakasamang nag-aaral mula sa manwal ng EnglishConnect

Ano ang Kakaiba sa EnglishConnect?

Sa EnglishConnect, tayo ay “[naghahangad] na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Sama-sama tayong nagkakaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang puno ng pananampalataya, pakikisama, at paglago.

Pananampalataya

Sa EnglishConnect, kumikilos tayo nang may pananampalataya para hangarin ang tulong ng Panginoon sa pag-aaral ng Ingles. Kapag hinangad natin ang tulong ng Panginoon na matuto ng Ingles, maaari tayong mas mapalapit sa Diyos at makaranas ng nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Tagapagligtas. Sa bawat lesson, pag-aaralan at ipamumuhay natin ang isang espirituwal na alituntunin ng pag-aaral. Ang Espiritu ang tunay na guro, at maaari nating hangarin ang mga kaloob ng Espiritu para tulungan tayong matuto, pati na ang kaloob na mga wika (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 46:8–26).

2:7

Pakikisama

Sa EnglishConnect, aanyayahan natin ang Espiritu habang tayo ay nagmamahal, nagtuturo, at sumusuporta sa isa’t isa. Bumubuo tayo ng mga pagkakaibigan at tutulungan natin ang isa’t isa na manatiling may motibasyon. Sama-sama nating daragdagan ang ating kumpiyansa, matututo tayo mula sa ating mga pagkakamali, at ipagdiriwang natin ang ating pag-unlad. Habang natututo tayo mula sa Espiritu, “[mauunawaan natin] ang isa’t isa, at [tayo ay kapwa [mapapatibay] at magkasamang magsasaya” (Doktrina at mga Tipan 50:22).

1:52

Paglago

Sa EnglishConnect, hindi lang tayo matututo ng Ingles; madaragdagan din ang ating kakayahang matuto at magturo. Saan man tayo magsimula, magsisikap at makikipagtuwang tayo sa Diyos para makamtan ang ating mga mithiin. Magsasanay tayo nang may pananampalataya na magpraktis ng Ingles araw-araw. Magsusumikap tayong matuto “sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118) sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

2:24