“Ano ang Dapat Kong Gawin sa Araw-araw na Pag-aaral ng Wika?,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary
“Araw-araw na Pag-aaral ng Wika,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM
Ano ang Dapat kong Gawin Habang Nag-aaral ng Wika?
Sundin ang mga Alituntunin ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo
Itinuturo sa iyo ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo kung paano ihanda ang iyong sarili sa espirituwal at gawing makabuluhan ang iyong pag-aaral. Tutulungan ka rin nitong malaman kung paano hanapin ang kaloob na mga wika at ipamuhay ang mga alituntunin ng pag-aaral ng wika. Regular na rebyuhin ang mga alituntuning itinuturo sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7 at hangaring sundin ang mga ito sa iyong pag-aaral ng wika.
Bumuo ng Plano sa Pag-aaral ng Wika
“Ang plano sa pag-aaral ng wika ay nakatutulong kapwa sa mga bagong missionary at sa mga missionary na may higit nang karanasan na pagtuunan ang mga magagawa nila sa bawat araw para paghusayin ang kanilang kakayahan sa pagsasalita ng wikang ginagamit sa kanilang mission” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 161). Isiping gamitin ang proseso ng pagtatakda ng mithiin na itinuturo sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 8, para matulungan kang matuto ng Ingles.
-
Magtakda ng lingguhan at araw-araw na mga layunin para sa pag-aaral ng Ingles.
-
Itala at iiskedyul kung aling mga lesson, manwal ng mag-aaral, workbook, at online resources sa EnglishConnect ang gagamitin mo, kailan mo ito gagamitin, at kung paano mo balak na isama ang kompanyon mo.
-
Kumilos ayon sa mga plano mo.
-
Magrebyu at mag-follow up. Palaging rebyuhin ang iyong plano sa pag-aaral at suriin kung ito ay epektibo.
Ipamuhay ang mga alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7, para mapabuti ang iyong pag-aaral. Tingnan ang sumusunod na halimbawa ng mga plano sa pag-aaral para sa karagdagang tulong batay sa iyong antas:
Magrebyu at Mag-follow Up
Kapag nakumpleto mo ang mga aktibidad sa isang lesson, gamitin ang mga self-check ng lesson para ma-assess ang iyong natutunan. Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng mga aktibidad para sa isang antas, kumuha ng post-test para sa antas na iyon. Kapag handa ka na, maaari kang tumuloy sa susunod na antas. Ang mga pagsusuri sa sarili at mga online na aktibidad ay matatagpuan sa missionary.englishconnect.org. Paminsan-minsan, maglaan ng oras para suriin kung paano mo magagamit ang mga alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7, para mapabuti pa ang iyong pag-aaral.
Paano Ko Masubaybayan ang Aking Progreso?
Bawat apat na buwan, makakatanggap ka ng isang email na nag-aanyaya sa iyo na kumuha ng assessment ng iyong kakayahan sa wikang Ingles. Matapos makumpleto ang assessment, makakatanggap ka ng progress report. Ang report na ito ay makakatulong sa iyo na masubaybayan ang iyong progreso at matuto ng mga paraan para humusay pa. Sa iyong huling transfer, kukuha ka ng huling assessment at makakatanggap ng sertipiko. Maaari mong ma-access ang iyong mga assessment sa pahina ng pag-aaral ng wika ng Missionary Portal para masubaybayan ang iyong progreso.
Ang pag-aaral ng wika ay “nangangailangan ng masigasig na pagsisikap at mga kaloob ng Espiritu. Huwag magulat kung tila mahirap itong gawin. Ito ay nangangailangan ng panahon. Maging matiyaga sa iyong sarili. … Tutulungan ka ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kapag lumapit ka sa Kanila” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 160).