Mga Kapansanan
Bakit nangyari ito sa anak ko? Ako ba ang dapat sisihin?


“Bakit nangyari ito sa anak ko? Ako ba ang dapat sisihin?“ Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga (2020)

“Bakit nangyari ito sa anak ko? Ako ba ang dapat sisihin?“ Disability Services: Mga Magulang at Tagapag-alaga

Bakit nangyari ito sa anak ko? Ako ba ang dapat sisihin?

Larawan
Woman sitting with girl at a table

Karaniwan sa mga magulang ng mga batang may kapansanan ang magtanong sa kanilang sarili, ‘Ano ang nagawa naming mali?’ Maraming tao noong panahon ng Tagapagligtas ang naniwala, tulad ng ilang tao sa ating panahon, na ang mga pagsubok at hamon na kinakaharap ng mga tao ay bunga ng mga kasalanang nagawa nila. Sabi ni Pangulong Boyd K Packer: “Ang ideya na ang lahat ng pagdurusa kahit paano ay tuwirang bunga ng kasalanan ay itinuturo na noon pa mang sinaunang panahon. Maling doktrina ito.”1 Sa pag-aaral ng sumunod na kaganapan sa buhay ng Tagapagligtas, maaari nating malaman ang mahahalagang katotohanan tungkol sa ating mga paghihirap at hamon sa buhay:

“Sa kanyang paglalakad, nakita [ni Jesus] ang isang lalaking bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak.

“Tinanong siya ng kanyang mga alagad, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya’y ipinanganak na bulag?

“Sumagot si Jesus, “Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, o ang kanyang mga magulang man, kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos” (Juan 9:1–3).

Mga Tala

  1. Boyd K. Packer, “The Moving of the Water,” Ensign, Mayo 1991, 7.