Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13: ‘Dakilang Saserdote ng mga Bagay na Darating’


“Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13: ‘Dakilang Saserdote ng mga Bagay na Darating’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Nobyembre 11–17. Mga Hebreo 7–13,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
binabasbasan ni Melchizedek si Abram

Binabasbasan ni Melchizedek si Abram, ni Walter Rane.

Nobyembre 11–17.

Mga Hebreo 7–13

“Dakilang Saserdote ng mga Bagay na Darating”

Habang pinag-aaralan at pinagninilayan mo ang outline na ito, bigyang-pansin ang mga pahiwatig na natatanggap mo tungkol sa mga batang tinuturuan mo. Tutulungan ka ng Espiritu na makahanap ng mga mensahe para sa kanila sa Mga Hebreo 7–13.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ipabahagi sa mga bata ang mga ginagawa nila at ng kanilang mga pamilya para matutuhan ang ebanghelyo sa tahanan. Anyayahan silang ibahagi ang ilan sa kanilang mga paboritong karanasan sa pag-aaral ng ebanghelyo sa kanilang pamilya.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mga Hebreo 7:1–6

Matutulungan tayo ng priesthood sa maraming paraan.

Ang Mga Hebreo 7:1–6 ay makapagbibigay ng pagkakataon na ituro sa mga bata ang mga pagpapala ng priesthood.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipaliwanag nang kaunti kung sino si Abraham, at pagkatapos ay gamitin ang Mga Hebreo 7:1–6 at Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 14:36–40 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan) para ituro na si Abraham ay nagbayad ng ikapu kay Melquisedec. Ipaliwanag na hawak ni Melquisedec ang mas mataas na priesthood, na siyang kapangyarihan ng Diyos na ibinigay sa tao sa lupa, at ginamit niya ito para basbasan si Abraham. Maaaring matuwa ang mga bata sa pagsasadula ng kuwento nang may simpleng props, tulad ng korona at isang sobre ng ikapu.

  • Anyayahan ang isang Aaronic at isang Melchizedek Priesthood holder na bumisita sa klase at sabihin sa mga bata kung paano nila nagamit ang priesthood para basbasan ang iba. Pagkatapos ay ipakita sa mga bata ang mga larawan ng iba’t ibang ordenansa ng priesthood (halimbawa, tingnan sa mga larawan 103–8 sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo). Tulungan ang mga bata na malaman kung aling priesthood ang kailangan para sa bawat ordenansa at ibigay ang larawang iyon sa angkop na priesthood holder.

Mga Hebreo 11:1-32

Ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi natin nakikita.

Kahit hindi nila nakikita ang Ama sa Langit at si Jesucristo o nararanasan ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo, maaaring magkaroon ng pananampalataya ang mga batang tinuturuan mo sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa mga halimbawa sa Mga Hebreo 11.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdispley ng isang larawan ni Jesus. Maglagay sa paligid ng silid ng ilang bagay na kumakatawan sa “mga katibayan” na Siya ay totoo kahit hindi natin Siya nakikita (tulad ng mga banal na kasulatan, isang larawan ng Unang Pangitain, at isang larawan ng mundo). Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga item, at pagkatapos ay ibahagi sa kanila kung paano tayo tinutulungan ng bawat item na manampalataya na si Jesus ay buhay.

  • Magdala ng isang electric fan, at hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagdama sa paghihip ng hangin ng electric fan sa kanilang mukha. Ituro sa kanila na hindi natin nakikita ang hangin, ngunit nadarama natin ito. Gayundin, hindi natin nakikita ang Ama sa Langit at si Jesucristo, ngunit nadarama natin ang Kanilang pagmamahal at nananampalataya tayo na Sila ay totoo.

  • Magkuwento tungkol sa isa o mahigit pang mga tao na binanggit sa Mga Hebreo 11:4–32. Isiping gamitin ang Mga Kuwento sa Lumang Tipan (tingnan sa mga kabanata 4–6, 8–10, 15–17, 23, at 28). Ano ang ginawa ng mga taong ito upang ipakita na nanampalataya sila sa isang bagay na hindi nila nakikita? Magbahagi ng ilang pagpapalang natanggap mo dahil sa iyong pananampalataya.

Mga Hebreo 13:5-6

Tutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at hindi Nila tayo pababayaan kailanman.

Anong mga pagsubok ang maaaring nararanasan ng mga bata? Paano kaya makakatulong sa kanila ang mensahe ng Mga Hebreo 13:5–6?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Repasuhin ang ilang kuwento sa Bagong Tipan na natutuhan ng mga bata ngayong taon kung saan tinulungan ng Tagapagligtas ang iba, tulad noong pagalingin Niya ang lalaking lumpo (tingnan sa Lucas 5:18–26) o pakainin ang 5,000 (tingnan sa Mateo 14:15–21). Tulungan ang mga bata na matutuhan ang pariralang “Ang Panginoon ang aking katulong” (Mga Hebreo 13:6).

  • Anyayahan ang mga bata na idrowing ang isang pagkakataon na natakot sila. Basahin ang Mga Hebreo 13:5–6 sa kanila, at magpatotoo na tutulungan tayo ng Ama sa Langit at hindi tayo pababayaan kailanman. Tulungan ang mga bata na gumupit ng mga pusong papel na sapat ang laki para matakpan ang mga drowing. Ano ang ilang bagay na tumutulong na mas mapalapit tayo sa Ama sa Langit? Isulat ang ilan sa mga bagay na ito sa mga puso.

  • Ituro sa mga bata ang ikalawang talata ng “Panginoon, sa Aki’y Sabihin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 75). Ayon sa awitin, anong tulong ang matatanggap natin kapag malapit sa atin ang Ama sa Langit at si Jesucristo? Magkuwento tungkol sa isang pagkakataon na malapit sa iyo ang Ama sa Langit at tinulungan ka Niya.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mga Hebreo 7:1–4

Ang karapat-dapat na mga priesthood holder ay sumusunod sa Tagapagligtas.

Paano mo magagamit ang mga talatang ito para maipaunawa sa mga bata na ang mga may priesthood ay kailangang maging matapat at maglingkod sa iba tulad ng ginawa ng Tagapagligtas?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Tulungan ang mga bata na ilista ang mga bagay na alam nila tungkol sa dalawang kahanga-hangang priesthood holder na sina Abraham at Melquisedec. Makakahanap sila ng tulong sa Mga Hebreo 7:1–4; Abraham 1:1–2; at Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 14:25–40 (sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan). Anong mga katangiang katulad ng kay Cristo ang taglay ng kalalakihang ito na nakatulong sa kanila na igalang ang priesthood?

  • Ipabasa sa mga bata ang Mga Hebreo 7:1–2 at ipahanap ang mga titulong ginamit para ilarawan si Melquisedec. Paano ipinapaalala sa atin ng mga titulong ito si Jesucristo? Tulungan silang mag-isip ng mga paraan kung saan si Jesus ay isang “Hari ng kapayapaan.” May kilala ba silang iba pang mga priesthood holder na halimbawa rin ng pagsunod sa Tagapagligtas?

  • Magbahagi ng isang karanasan kung saan tinulungan ka ng isang matwid na priesthood holder na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Tulungan ang mga bata na isipin kung paano sila napagpala ng paglilingkod ng priesthood.

Mga Hebreo 11

Ginagantimpalaan ng Ama sa Langit ang mga sumasampalataya.

Ang Mga Hebreo 11 ay naglalaman ng maraming halimbawa ng mga taong pinagpala nang kumilos sila nang may pananampalataya. Alin sa mga kuwento ang lubos na magbibigay-inspirasyon o makakatulong sa mga batang tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang mga bagay na natutuhan nila tungkol sa pananampalataya sa Mga Hebreo 11:1–3, 6. Bigyan ang bawat isa sa mga bata ng pangalan ng isang taong binanggit sa Mga Hebreo 11, at ipabasa sa kanila ang mga talatang may kaugnayan sa taong iyon. Sabihin sa kanila na magbigay ng mga clue tungkol sa taong ito para mahulaan ng ibang mga bata kung sino siya. Paano nagpakita ng pananampalataya ang mga taong ito, at paano sila ginantimpalaan ng Ama sa Langit? (Para sa mga larawan ng mga taong ito, tingnan sa bahagi ng Lumang Tipan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo).

  • Matapos basahin ang ilan sa matatapat na halimbawa sa Mga Hebreo 11, pasulatin ang mga bata tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakita ng pananampalataya. Anyayahan ang ilang bata na ibahagi ang kanilang mga halimbawa sa klase.

Mga Hebreo 12:5–11

Pinarurusahan ng Panginoon ang mga minamahal Niya.

Maipapaunawa ng mga talatang ito sa mga bata na itinatama sila ng Ama sa Langit, ng kanilang mga magulang, at ng iba pa dahil mahal sila nila at gusto nilang matuto sila mula sa kanilang mga pagkakamali.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sama-samang basahin ang Mga Hebreo 12:5–11, at ipahanap sa mga bata ang mga dahilan kung bakit tayo pinarurusahan (itinatama o dinidisiplina) ng Ama sa Langit. Ano ang itinuturo nito sa atin kung bakit itinatama ng mga magulang sa lupa ang kanilang mga anak? Paano tayo dapat tumugon sa mapagmahal na pagtatama?

  • Magbahagi ng mga halimbawa ng mga tao sa mga banal na kasulatan na pinarusahan ng Panginoon at nagsisi (halimbawa, tingnan sa 1 Nephi 16:25–27; Eter 2:13–15). Bakit sila magagandang halimbawa ng mga alituntunin sa Mga Hebreo 12:5–11?

  • Matapos basahin ang Mga Hebreo 12:5–11, anyayahan ang mga bata na sumulat ng ilang bagay na sisikapin nilang tandaan kapag itinatama sila sa kanilang mga pagkakamali.

Larawan
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na sumulat o magdrowing ng isang larawan kung ano sa tingin nila ang pinakamahalagang bagay na natutuhan nila sa klase. Hikayatin silang ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Gamitin ang mga pahina ng aktibidad. Habang kinukumpleto ng mga bata ang mga pahina ng aktibidad sa oras ng klase, gamitin ang oras para repasuhin ang mga alituntunin mula sa lesson.