Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Marso 11–17. Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 7; 11: ‘Ang Labindalawang Ito’y Isinugo ni Jesus’


“Marso 11–17. Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 7; 11: ‘Ang Labindalawang Ito’y Isinugo ni Jesus’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Marso 11–17. Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 7; 11,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
inoorden ni Jesus si Pedro

Marso 11–17

Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 711

“Ang Labindalawang Ito’y Isinugo ni Jesus”

Habang binabasa mo ang Mateo 10–12; Marcos 2; at Lucas 711, tatanggap ka ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na tutulong sa iyo na maghanda. Ang mga pahiwatig na ito, kasama ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong sa iyong paghahanda.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Hikayatin ang mga bata na ibahagi kung paano nila pinapanatiling banal ang araw ng Sabbath.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Mateo 10:1–10

Tinawag ni Jesus ang Labindalawang Apostol at binigyan sila ng kapangyarihan na gawin ang Kanyang gawain.

Alam ba ng mga batang tinuturuan mo na mayroon tayong Labindalawang Apostol ngayon? Paano mo magagamit ang mga talatang ito upang turuan sila tungkol sa kahalagahan ng mga makabagong Apostol at kung ano ang ipinagagawa sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang Mateo 10:1–10 gamit ang mga simpleng salita. (Tingnan ang Inoordenan ni Cristo ang mga Alagad, Aklat ng Sining ng ebanghelyo, blg. 38.) Ipaliwanag na tinawag ni Jesus ang mga Apostol para tulungan Siyang itayo ang Kanyang Simbahan.

  • Sabihin sa mga batang bilangin ang mga Apostol sa larawang Inoorden ni Cristo ang mga Alagad (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 38) at sa larawan ng kasalukuyang Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa LDS.org o sa isang isyu ng pangkalahatang kumperensya ng Ensign o Liahona). Ipaliwanag na mayroon tayong Labindalawang Apostol ngayon, tulad noong panahon ni Jesus.

  • Itago ang mga larawan ng mga makabagong Apostol sa paligid ng silid (para sa mga larawan, tingnan sa huling isyu ng pangkalahatang kumperensya ng Ensign o Liahona). Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga larawan, at magsabi sa kanila nang kaunti tungkol sa bawat Apostol.

  • Sabihin sa isang bata na hawakan ang isang larawan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa bata na akayin ang iba pang mga bata sa paligid ng silid papunta sa isang larawan ni Jesus. Magpatotoo na ang mga propeta at mga apostol ay umaakay sa atin patungo kay Jesucristo.

  • Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga Apostol ng Panginoon.

Larawan
Korum ng Labindalawa

Isinasagawa ng Labindalawang Apostol ang gawain ng Panginoon ngayon.

Mateo 11:28–30

Tutulungan ako ni Jesus kapag lumapit ako sa Kanya.

Makadarama ng kapanatagan ang mga bata sa kaalamang tutulungan sila ni Jesus sa kanilang mga pasanin kapag lumapit sila sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin ang Mateo 11:28–30 at magpakita ng larawan ng mga bakang may pamatok sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipaliwanag na mas mabigat ang mahihila ng mga bakang may pamatok kaysa sa mahihila ng mga magkahiwalay na baka. Magpatotoo na kapag tayo ay malungkot, nag-aalala, o natatakot, maaari nating hanapin si Jesus at tutulungan Niya tayo.

  • Ipabuhat sa isang bata ang isang mabigat na bagay. Kapag nahihirapan na siya, mag-alok ng tulong. Paano tayo tinutulungan ni Jesus na gawin ang mahihirap na bagay? Nadama na ba ng mga bata ang Kanyang tulong?

Mateo 12:1–13

Kaya kong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Ano ang ilang masasayang paraan na maituturo mo sa mga bata ang tungkol sa araw ng Sabbath at kung bakit natin ito pinananatiling banal?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Basahin nang malakas ang Mateo 12:10–13. Sabihin sa mga bata na tumayo at umupo sa tuwing sasabihin mo ang “Sabbath,” at ipaulit sa kanila ang mga katagang “Matuwid [ang] gumawa ng mabuti sa sabbath” (Mateo 12:12). Ano kaya sa palagay nila ang ibig sabihin nito?

  • Magpakita ng isang kalendaryo sa mga bata at lagyan ng highlight ang araw ng Sabbath para sa kanila. Ano ang mga ginagawa natin sa ibang mga araw ng linggo? Ano ang maaari nating gawin sa araw ng Sabbath upang maging naiiba ito sa ibang araw? (tingnan sa Isaias 58:13–14).

  • Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mabubuting bagay na maaari nilang gawin sa araw ng Sabbath (tingnan ang pahina ng aktibidad sa linggong ito).

  • Hikayatin ang mga bata na gumawa ng mga galaw na tutulong sa kanilang maalaala ang mga paraan para maghanda para sa Sabbath habang inaawit nila ang “Sabado,” Aklat ng mga Awit Pambata, 105.

  • Gumuhit ng mga mata, tainga, bibig, at kamay sa pisara. Itanong sa mga bata kung ano ang magagawa ng bawat isa sa mga bahaging ito ng ating katawan para panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo10:1–10; Marcos 3:13–19

Matuturuan ako ng Labindalawang Apostol tungkol kay Jesus.

Paano makakatulong sa mga bata ang pag-aaral tungkol sa Labindalawang Apostol sa panahon ni Cristo para mas maunawaan kung ako ang ginagawa ng Labindalawang Apostol ngayon?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawan ng mga Apostol noong panahon ni Jesus, at sa ating panahon (tingnan sa Inoorden ni Cristo ang mga Alagad, Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 38, at sa huling isyu ng kumperensya sa mga magasin ng Simbahan). Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 10:1–10 at Marcos 3:14–15 upang malaman kung ano ang mga ginagawa ng mga Apostol.

  • Anyayahan ang ilang bata na maghandang magbahagi sa klase ng kuwento ng isa sa mga nabubuhay na Apostol. Paano tayo tinutulungan ng mga nabubuhay na Apostol na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

  • Isulat ang mga pangalan ng mga Apostol sa modernong panahon sa mga piraso ng papel. Sabihin sa mga bata na itugma ang pangalan ng bawat Apostol sa kanyang larawan (LDS.org). Maaaring ulitin ang aktibidad na ito nang ilang beses.

  • Magbahagi sa mga bata ng ilang halimbawa ng patotoo ng mga makabagong Apostol tungkol kay Cristo (tingnan ang huling mensahe sa pangkalahatang kumperensya o “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2).

  • Tulungan ang mga bata na maisaulo at maunawaan ang Saligan ng Pananampalataya 1:6.

Mateo 11:28–30

Tutulungan ako ni Jesus kapag lumapit ako sa Kanya.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan na bibigyan sila ng Tagapagligtas ng kapahingahan mula sa mga hamon sa kanilang buhay kapag lumapit sila sa Kanya?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon na sila ay nag-alala o nabalisa tungkol sa isang bagay. Sabihin sa kanila na maghanap ng payo sa Mateo 11:28–30 na makakatulong sa kanila sa mga katulad na sitwasyon.

  • Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga larawan ng mga ginagawa nila para lumapit kay Jesus at matuto mula sa Kanya. Ang ikaapat na saligan ng pananampalataya ay makapagbibigay sa kanila ng mga ideya.

Mateo 12:1–14

Ang Sabbath ay isang araw para gumawa ng mabubuting bagay na mas naglalapit sa akin sa Diyos.

Ang mga batang tinuturuan mo ay mapapalakas kung bibigyan mo ng diin ang mga layunin at pagpapala ng pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang isang bata na umarte bilang ang lalaking ang kamay ay pinagaling ng Panginoon (tingnan sa Mateo 12:10–13). Iinterbyuhin naman siya ng isa pang bata tungkol sa kanyang karanasan.

  • Sama-samang basahin ang Mateo 12:12. Ano ang ilan sa mabubuting bagay na magagawa natin kapag Sabbath? Sabihin sa mga bata na idrowing ang kanilang mga ideya sa pahina ng aktibidad sa linggong ito, gupitin ang mga piraso, at magsalitan sa pagbuo ng mga puzzle nang sama-sama.

  • Magtago ng mga larawan ng mga taong gumagawa ng mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal para sa Ama sa Langit sa araw ng Sabbath. Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga larawan at ibahagi kung paano nagpapakita ng ating pagmamahal sa Diyos ang paggawa ng mga bagay na nasa mga larawan.

  • Bigyan ang bawat bata ng isang bag na pupunuin nila ng mga ideya tungkol sa mabubuting bagay na ginagawa sa araw ng Sabbath. Makakakita sila ng ilang ideya sa “Paggalang sa Araw ng Sabbath” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 30–31.

Larawan
learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga ideya kung paano panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hikayatin ang pagpipitagan. Ipaunawa sa mga bata na ang isang mahalagang aspeto ng pagpipitagan ay ang pag-iisip tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaari mong ipaalala sa mga bata na maging mapitagan sa pamamagitan ng pagkanta nang mahina o paghimig ng isang awit o pagpapakita ng isang larawan ni Jesus.

Larawan
pahina ng aktibidad: pananatilihin kong banal ang araw ng Sabbath