Lumang Tipan 2022
Hunyo 13–19. I Samuel 8–10; 13; 15–18: “Ang Labanang Ito ay sa Panginoon”


“Hunyo 13–19. I Samuel 8–10; 13; 15–18: ‘Ang Labanang Ito ay sa Panginoon,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Hunyo 13–19. I Samuel 8–10; 13; 15–18,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2022

Larawan
batang si David na may tirador

David at Goliat, ni Steve Nethercott

Hunyo 13–19

I Samuel 8–10; 13; 15–18

“Ang Labanang Ito ay sa Panginoon”

Matutulungan ka ng mga mungkahi sa outline na ito na matukoy ang ilan sa mga pinakamahalagang alituntunin sa mga kabanatang ito. Maaari kang makahanap ng iba pang mga alituntunin habang ikaw ay nag-aaral.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Mula nang manirahan ang mga lipi ni Israel sa lupang pangako, naging banta ang mga Filisteo sa kanilang kaligtasan. Maraming beses noon, iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway. Ngunit ngayon ay gusto ng mga elder o matatanda ng Israel na, “Magkakaroon kami ng hari … [upang] lumabas sa unahan namin, at lumaban sa aming mga digmaan” (I Samuel 8:19–20). Ang Panginoon ay nagpaubaya, at si Saul ay hinirang na hari. Subalit nang hinamon ng nakakatakot na higanteng si Goliat ang mga hukbo ni Israel, si Saul—tulad ng kanyang hukbo—ay “lubhang natakot” (I Samuel 17:11). Sa araw na iyon, hindi si Haring Saul ang nagligtas sa Israel kundi isang mapagpakumbabang pastol na nagngangalang David, na walang suot na baluti ngunit nadaramitan ng matatag na pananampalataya sa Panginoon. Pinatunayan ng labanang ito sa Israel, at sa sinumang may espirituwal na pakikipaglaban, na “hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat” at na “ang labanang ito ay sa Panginoon” (I Samuel 17:47).

Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

I Samuel 8

Si Jesucristo ang aking Hari.

Habang binabasa mo ang I Samuel 8, pansinin kung ano ang pakiramdam ng Panginoon sa hangarin ng mga Israelita na magkaroon ng hari maliban sa Kanya. Ano ang ibig sabihin ng piliin ang Panginoon na “maghari sa [inyo]”? (1 Samuel 8:7). Maaari mo ring isipin ang mga paraan na natutukso kang sundin ang masasamang kalakaran ng mundo sa halip na sundin ang Panginoon. Paano mo maipapakita na gusto mong si Jesucristo ang maging iyong Walang-hanggang Hari?

Tingnan din sa Mga Hukom 8:22–23; Mosias 29:1–36; Neil L. Andersen, “Pagdaig sa Mundo,” Liahona, Mayo 2017, 58–62.

1 Samuel 9:15–17; 10:1–12; 16:1–13

Tinatawag ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng propesiya para maglingkod sa Kanyang kaharian.

Pinili ng Diyos sina Saul at David na maging mga hari sa pamamagitan ng propesiya at paghahayag (tingnan sa I Samuel 9:15–17; 10:1–12; 16:1–13). Ganito rin Niya tinatawag ang kalalakihan at kababaihan na maglingkod sa Kanyang Simbahan ngayon. Ano ang natutuhan mo sa mga salaysay na ito tungkol sa ibig sabihin ng “tawagin ng Diyos, sa pamamagitan ng propesiya”? (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5. Anong mga pagpapala ang nagmumula sa pagtawag at pagtatalaga sa iyo ng mga awtorisadong lingkod ng Panginoon?

Larawan
Pinapahiran ng langis ni Samuel si Saul

Paglalarawan kay Samuel na nagpapahid ng langis kay Saul, © Lifeway Collection/lisensyado mula sa goodsalt.com

I Samuel 13:5–14; 15

“Ang pagsunod ay mas mabuti kaysa alay.”

Kahit matangkad si Saul, nadama niya na “siya ay maliit sa [kanyang] sariling paningin” nang siya ay naging hari (I Samuel 15:17). Gayunman, nang matapos siyang biyayaan ng tagumpay, nagsimula siyang mas magtiwala sa kanyang sarili at nabawasan ang tiwala niya sa Panginoon. Anong katibayan ang nakikita mo tungkol dito sa I Samuel 13:5–14; 15? Kung kasama mo noon si Saul, ano kaya ang sasabihin mo sa kanya na maaaring nakatulong sa kanya para mapaglabanan ang kanyang “paghihimagsik” at “katigasan ng ulo”? (1 Samuel 15:23).

Tingnan din sa 2 Nephi 9:28–29; Helaman 12:4–5; Doktrina at mga Tipan 121:39–40; Thomas S. Monson, “Pagnilayan Mo ang Landas ng Iyong mga Paa,” Liahona, Nob. 2014, 86–88.

I Samuel 16:7

“Ang Panginoon ay tumitingin sa puso.”

Ano ang ilang paraan na hinuhusgahan ng mga tao ang iba “sa panlabas na anyo”? Ano ang ibig sabihin ng tumingin “sa puso,” tulad ng ginagawa ng Panginoon? (1 Samuel 16:7). Isipin kung paano mo maipamumuhay ang alituntuning ito sa paraan ng pagtingin mo sa iba—at sa iyong sarili. Paano maaapektuhan ng paggawa nito ang iyong mga interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa iba?

I Samuel 17

Sa tulong ng Panginoon, makakayanan ko ang anumang hamon.

Habang binabasa mo ang I Samuel 17, pagnilayan ang mga salita ng iba’t ibang tao sa kabanatang ito (tingnan ang listahan sa ibaba). Ano ang inihahayag ng kanilang mga salita tungkol sa kanila? Paano nagpapakita ng kanyang katapangan at pananampalataya sa Panginoon ang mga salita ni David?

Pagnilayan ang mga personal na labanan na nakakaharap mo. Ano ang makikita mo sa I Samuel 17 na nagpapalakas sa iyong pananampalataya na matutulungan ka ng Panginoon?

Tingnan din sa Gordon B. Hinckley, “Ang mga Goliat sa Ating Buhay,” Ensign, Mayo 1983, 46, 51–52.

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng Pamilya at Home Evening

1 Samuel 9:15–21; 16:7.Ang pagbabasa ng mga talatang ito kasama ang sumusunod na mga salita mula kay Elder Dieter F. Uchtdorf ay makahihikayat ng talakayan tungkol sa kung bakit pinili ng Panginoon sina Saul at David: “Kung titingnan lamang natin ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mortal na mata, maaaring hindi natin makita ang ating sarili na sapat na mabuti. Ngunit nakikita ng ating Ama sa Langit kung sino tayo talaga at ang maaari nating marating” (“It Works Wonderfully!Liahona, Nob. 2015, 23). Marahil ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring maghalinhinan sa pagkukuwento tungkol sa mabubuting katangiang nakikita nila sa puso ng bawat isa (tingnan sa I Samuel 16:7).

I Samuel 10:6–12.Kailan natin nakita na biniyayaan ng Diyos ang isang tao ng espirituwal na kapangyarihan upang magampanan ang isang gawain o tungkulin na tulad ng pagpapala Niya kay Saul? Anong mga karanasan ang maibabahagi natin kapag “binigyan [tayo] ng Diyos ng ibang puso” o “ang Espiritu ng Diyos ay suma[atin]” sa Kanyang paglilingkod? (mga talata 9–10).

I Samuel 17:20–54.Maaaring masayang basahin ng inyong pamilya ang kuwento tungkol kina David at Goliat (ang “David at Goliath” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan ay maaaring makatulong)(ChurchofJesusChrist.org). Maaari itong humantong sa talakayan tungkol sa mga hamon na kinakaharap natin na tila “mga Goliat” sa atin. Maaari mo ring isulat ang ilan sa mga hamong ito sa isang target o sa drowing ni Goliat at magsalitan sa paghahagis ng mga bagay (tulad ng mga bolang papel) dito.

Maaari ding kawili-wili na basahin ang tungkol sa baluti at mga armas ni Goliat (tingnan sa mga talata 4–7). Ano ang na kay David? (tingnan sa mga talata 38–40, 45–47). Ano ang inilaan ng Panginoon para matulungan tayo na matalo ang ating mga Goliat?

I Samuel 18:1–4.Paano naging mabuting magkaibigan sina David at Jonathan sa isa’t isa? Paano tayo napagpala ng mabubuting kaibigan? Ano ang magagawa natin para maging mabubuting kaibigan—kabilang na sa mga miyembro ng ating pamilya?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awitin: “Ako’y Magiging Magiting,” Aklat ng mga Awit Pambata, 85.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ibahagi nang madalas ang iyong patotoo. “Ang iyong simple at taos-pusong patotoo tungkol sa espirituwal na katotohanan ay maaaring makaimpluwensya nang malaki sa [iyong pamilya]. Napakalakas ng patotoo kapag ibinahagi ito nang tapat at taos-puso. Hindi ito kailangang maging maganda o mahaba” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 11).

Larawan
David

Paglalarawan kay David, ni Dilleen Marsh