Institute
Pambungad


“Pambungad,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (2022)

“Pambungad,” Materyal ng Titser para sa Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo

Pambungad

Ang Pagsagot sa Aking mga Tanong tungkol sa Ebanghelyo (Religion 280) ay ginawa upang bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magkaroon ng nauugnay, bukas, tapat, at nakapagpapatatag na mga talakayan tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa ebanghelyo na kanilang pinili. Tulad sa lahat ng kurso sa institute, ang ating pangunahing layunin ay “ tulungan ang kabataan at mga young adult na maunawaan at umasa sa mga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at maihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], 1).

Upang matulungan ang mga titser at estudyante na mabuo ang mga talakayan sa klase sa paraang madaragdagan ang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan, ang kurikulum ay isinaayos ayon sa sumusunod:

  • Bahagi 1: Matuto sa Pamamagitan ng Pananampalataya. Inatasan tayong lahat ng Panginoon na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Ang mga Lesson 1–3 ay nagbibigay sa mga titser at estudyante ng pagkakataong matukoy at matalakay ang mga alituntuning mahalaga sa pagkatuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

  • Bahagi 2: Paggamit ng Sources na Makatutulong para Magkaroon ng Pag-aaral na may Pananampalataya at Nagbibigay-Inspirasyong mga Talakayan. Ang mga Lesson 4–6 ay nagbibigay ng huwaran kung paano magkakaroon ng mga talakayang nakasentro kay Cristo, nauugnay, bukas, tapat, at nagbibigay-inspirasyon sa mga miyembro ng klase at sa iba pa.

  • Bahagi 3: Pagtalakay sa mga Paksa na Pinili ng mga Estudyante. Ang mga Lesson 7–14 ay nagpapahintulot sa mga estudyante na piliin ang mga paksang nais nilang talakayin. Ang mga alituntunin at huwarang binuo sa mga lesson 1–6 ay gumagabay sa mga karanasan sa pagkatuto sa klase para sa mga lesson 7–14.

Ang kursong ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong gamitin ang ilang resources na matatagpuan sa Gospel Library (sa app o online) at sa Newsroom ng Simbahan upang masagot ang kanilang mga tanong. (Paalala: Patuloy ang Simbahan sa pagpapasimple ng resources, pagpapahusay ng paggamit nito, at pagsasalin ng karagdagang nilalaman para sa Gospel Library. Iakma ang paggamit mo ng materyal sa pagtuturo para makita ang mga pagbabagong ito.) Kung minsan ang isang source ay maaaring may mga limitadong sanggunian lamang sa mga banal na kasulatan o sa mga salita ng mga makabagong apostol at propeta. Sa gayong mga sitwasyon, magagawa ng mga titser at estudyante ang kanilang sariling pananaliksik upang mahanap ang kaugnay na mga banal na kasulatan at pahayag mula sa mga lider ng Simbahan.

Kabilang sa kurikulum na ito ang siyam na microtraining para matulungan ang mga estudyante na mapabuti ang kanilang kakayahang matutuhan at talakayin ang mga paksa na may kaugnayan sa ebanghelyo (tingnan sa apendiks A). Maaaring piliin ng mga titser kung anong mga microtraining ang gagamitin sa kurso at kung kailan gagamitin ang mga ito. Ang bawat training ay nilayong tumagal nang mga 15 minuto.

Kung ang talakayan sa klase ay humahantong sa haka-haka o pagtatalo, gabayan ang mga estudyante na maging mahinahong muli sa pagtalakay sa paksa at tularan ang pag-uugali ni Cristo gamit ang mga alituntunin at huwarang natutuhan sa mga lesson 1–6. Laging alalahanin ang katotohanan na ang layunin natin ay patatagin ang pananampalataya kay Jesucristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo, 1).

Dahil ang kursong ito ay umaasa sa resources ng Simbahan na makukuha sa internet, isipin kung ano ang iyong magagawa para matiyak na maayos ang linya ng internet. Isipin din kung ano ang iyong magagawa para matulungan ang mga estudyante na magkaroon pa rin ng makabuluhang karanasan sa pag-aaral sa kursong ito kahit walang device na magagamit para sa internet.

Mga Requirement para sa Credit

Upang makatanggap ng credit para makatapos sa institute para sa kursong ito, kailangang dumalo ang mga estudyante sa 75 porsiyento ng mga klaseng idinaos. Dapat din nilang kumpletuhin ang makatotohanan at makabuluhang aktibidad sa pag-aaral na sumasalamin ng nais nilang matamo mula sa kursong ito. Ang mga estudyante at titser ay dapat sumangguni sa isa’t isa at talakayin ang maiinam na opsiyon. Para makatulong sa pagbuo ng mga ideya, maaari mong ibahagi ang ilan sa mga sumusunod na halimbawa:

  • Kumpletuhin ang mga tanong sa pangkalahatang elective na kurso sa Institute Elevate Learning Experience.

  • Magsulat sa study journal.

  • Tukuyin ang isang partikular na tanong o problema na may kaugnayan sa Simbahan, at pagkatapos ay gamitin ang mga alituntunin at kasanayan na natutuhan sa kursong ito upang matugunan ito.

  • Talakayin ang natututuhan mo kahit isang beses sa isang linggo sa isang taong wala sa klaseng ito.

  • Bisitahin ang Newsroom kahit isang beses sa isang linggo upang matulungan kang mapanatiling maalam sa kasalukuyang nangyayari sa Simbahan.

  • Pumili ng isang paksa sa Tulong sa Buhay o Mga Paksa na mahalaga sa iyo, at pag-aralan ang lahat ng materyal at naka-link na resources.

Dapat itala ng mga estudyante ang kanilang gagawin at ibahagi ang kanilang mga plano sa kanilang titser. Sa katapusan ng semestre, dapat magbigay ang mga estudyante ng simpleng ulat, isinulat o sinabi, na nagsasaad kung nakumpleto nila ang (mga) requirement na itinakda. Dapat magbigay ang mga titser ng mga wastong akomodasyon para sa mga estudyanteng may kapansanan (tingnan sa “Pag-aangkop para sa mga Estudyanteng may Kapansanan,” SimbahanniJesucristo.org).