2018
Bagong Iskedyul para sa 2019
Nobyembre 2018


Bagong Iskedyul para sa 2019

Simula Enero 2019, ang mga miting ng elders quorum at Relief Society ay gaganapin lamang tuwing ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan. Ang mga miting na ito ay magpopokus sa mga mensahe mula sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya. Ang mga mungkahi sa pagtuturo para sa mga miting na ito ay matatagpuan sa Mayo at Nobyembre na isyu ng pangkalahatang kumperensya ng Liahona at sa Gospel Library app.

Ang iba pang mga pagbabago simula 2019 ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Ang mga council meeting tuwing unang Linggo ay ihihinto na. Gayunman, kung kinakailangan, maaaring gamitin ng elders quorum at Relief Society ang bahagi ng miting sa ikalawa o ikaapat na Linggo upang makipagsanggunian tungkol sa isang mahalagang paksa.

  • Hindi na ipagpapatuloy ang mga opening exercises, kung saan magkasamang nagpupulong ang mga korum ng Aaronic at Melchizedek Priesthood o ang mga sister sa Relief Society at young women.

  • Ang mga miting ng elders quorum at Relief Society ay hindi na magsisimula sa isang pambungad na himno o panalangin ngunit magtatapos sa pangwakas na panalangin.