2013
Mga Sanggunian para sa Pagtuturo ng mga Bata sa LDS.org
Disyembre 2013


Mga Sanggunian sa LDS.org para sa Pagtuturo ng mga Bata

Sa loob ng ilang dekada, napaganda ng mga guro, lider, at magulang ang kanilang pagtuturo ng ebanghelyo sa tulong ng mga magasing Friend at Liahona. Ngayon ang ilan sa mga sangguniang ito ay makukuha na online sa LDS.org at inayos para madali ninyong makita ang mga tulong sa aralin na hinahanap ninyo.

Mahahanap ninyo ang mga sanggunian ayon sa paksa, kategorya, at bilang ng aralin sa Primary sa Ingles sa pagpasok sa “Mga Sanggunian para sa Pagtuturo ng mga Bata” sa search bar sa LDS.org. Mapupuntahan din ninyo ang pahinang ito mula sa pahina ng mga manwal ng Primary.

Ang bahaging mga paksa ng Mga Sanggunian para sa Pagtuturo ng mga Bata ay makukuha rin sa Spanish at Portuguese at maaakses kapwa mula sa LDS.org o mula sa home page ng Liahona sa mga wikang ito.

Kabilang sa mga sanggunian ang mga kuwento, aktibidad, artikulo sa Liahona, at iba pang media na inaprubahan ng Simbahan para sa pagtuturo ng mga bata sa bahay o sa simbahan. Magdaragdag ng iba pang mga paksa buwan-buwan.